top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Marinduque, may 6 na kaso ng Delta variant na

BULGAR
Aug 16, 2021
1 min read

ni Lolet Abania | August 16, 2021



Nakapagtala ng anim na kaso ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 sa dalawang barangay sa munisipalidad ng Santa Cruz sa lalawigan ng Marinduque.


Ayon kay Santa Cruz Mayor Antonio Uy, nagpatawag agad sila ng emergency meeting kagabi matapos matanggap ang report mula sa Philippine Genome Center at ininspeksiyon na rin ang apektadong mga barangay.


“We made sure that our contingencies were in place and foods, medicines, tents, and isolation units are prepared for the stricter quarantine that will be imposed. Also we checked the available manpower that can be tapped at any time,” pahayag ni Uy sa kanyang Facebook post.


Sinabi rin ng mayor na si Governor Presbitero Velasco, Jr. na nagpadala na ng 30 modular tents para sa karagdagang pangangailangan ng kanilang isolation facilities.


Matatandaang noong Agosto 14, nag-isyu ang Marinduque provincial government ng Executive Order 28 para sa pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) mula Agosto 16 hanggang 31, 2021.


Ayon kay Velasco, ito ay dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa kanilang probinsiya.


“Kung matatandaan, mayroon lamang tayong 390 cases noong Mayo 12, 2021 ngunit noong Agosto 12 ay nakapagtala na tayo ng 1,145 cases o pagtaas ng 755 na bagong kaso sa loob lamang ng tatlong buwan,” saad ni Velasco sa hiwalay na Facebook post.


“Lubha po itong nakababahala at kailangan na nating mapigilan ang patuloy na pagtaas ng hawahan.

Tumaas din ang naitalang pagkamatay. Noong Mayo 12, 2021, 18 lamang po ang namatay na ating kababayan ngunit nitong Agosto 12, naitala ang kabuuang 47 na pagkamatay,” dagdag ng gobernador.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page