top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Maraming langgam sa kusina, pahiwatig ng mga sagabal

  • BULGAR
  • Jun 9, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 9, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Diana ng Malabon City.


Dear Maestra,


Nais kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na maraming langgam sa bahay namin, lalo na sa kusina.


Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Diana


Sa iyo, Diana,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na maraming langgam sa bahay n’yo, lalo na sa kusina ay makakaranas ka ng mga sagabal at labis na pag-aalala sa pupuntahan mong lalawigan o siyudad, kung saan binabalak mong magtrabaho para kumita nang malaki at umunlad ang iyong pamumuhay.


Gayunman, matatagalan pa bago mo makamit ang inaasam-asam mong tagumpay sa pupuntahan mong lugar. Dahil d’yan, tiyaga, sipag at talino ang dapat mong ipatupad upang makamit ang tagumpay na ito.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page