top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Maraming fans at nagbigay ng advice

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 4, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loida ng Taguig.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na marami akong fans na para bang sikat akong artista. Panay ang papuri nila at hangang-hanga sila sa akin. Tuwang-tuwa naman ako at binigyan ko sila ng advice na mag-ingat pa rin sa paligid dahil hindi pa tapos ang COVID-19 pandemic. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Loida


Sa iyo, Loida,


Ang panaginip mo na marami kang fans na para kang sikat na artista ay nagpapahiwatig na ang mga kaibigan mo ay totoo at tapat sa iyo. Gayundin, sila ay maaasahan sa oras ng kagipitan.


Samantala, ang sabi mo ay binigyan mo sila ng advice tungkol sa pandemic, ang ibig sabihin naman nito ay makakatanggap ka ng parangal at pagkilala sa inyong lugar.


Bibigyan ka nila ng award na ikagugulat mo dahil hindi mo ito inaasahan at labis na kaligayahan ang iyong madarama.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page