top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Maraming bunga ng mansanas, pahiwatig na magtatagumpay

BULGAR
Jun 11, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 11, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Greg ng Batangas.


Dear Maestra,


Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko. Napanaginipan ko na maraming bunga ang mansanas na itinanim ko sa likod bahay namin. Tuwang-tuwa ako dahil hindi ko akalain na mamumunga nang marami ang mansanas na itinanim ko. Agad-agad kong pinitas ang mga mansanas.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Greg



Sa iyo, Greg,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na namunga nang marami ang mansanas na itinanim mo dahil ito ay nangangahulugan na magtatagumpay ka sa kasalukuyan mong gawain.


Samantala, ang sabi mo ay ikaw mismo ang namitas ng mansanas, ito naman ay nagpapahiwatig na magkakaanak ka ng lalaki. Siya ay magiging mayamang-mayaman sa inyong lugar, kung saan titingalain at igagalang siya ng mga kabarangay n’yo.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page