Marami pa raw gustong gawin… KZ, AYAW PANG MAGKA-BABY, TJ, GAME NA

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 30, 2026

Photo: FB GGV
“I want to make sure that I’m not a baby taking care of a baby,” ito ang pahayag ng singer na si KZ Tandingan nang mag-guest sila ng kanyang mister na singer-songwriter na si TJ Monterde sa programang Gandang Gabi Vice (GGV).
Sa panayam, natanong sila ng Unkabogable Star na si Vice Ganda kung paano nila hinaharap ang mga makukulit na nagtatanong kung kailan sila magkakaroon ng anak.
Ani Vice, “‘Di ba, may mga mag-asawa na parang very uncomfortable ‘pag napag-uusapan o natatanong, lalo na sa Pilipinas, laging tinatanong, ‘Gaano na kayo katagal? Bakit wala pa kayong anak?’ Kayo, ‘pag natatanong kayo about du’n, kasi medyo matagal na rin kayong mag-asawa, for sure, may mga makukulit. How do you deal with them?”
Ayon kay KZ, mas ready daw si TJ na maging daddy kaysa sa kanya.
“Personally, sa aming dalawa kasi ni TJ, mas s’ya talaga ‘yung ready na maging daddy. Ever since naman, s’ya talaga ‘yung nag-o-open up na ready na s’yang maging tatay. Ganyan.
“It’s more on my side na nandu’n ako sa... may mga gusto pa akong gawing bagay sa career ko, may gusto pa akong i-build sa sarili ko as a person, as a woman.
“I want to make sure that I’m not a baby taking care of a baby. ‘Pag sinasabihan kami na may pera, sold-out ‘yung mga shows, it just doesn’t end with that. It’s a lifetime responsibility,” ani KZ.
“Ayoko namang mag-anak dahil lang na-pressure akong maging isang ina,” dagdag pa niya.
Well, may point ka r’yan, KZ. Hindi biro ang maging mommy, kaya dapat ay ready talaga.
Pak, ganern!
Ngayong parents na…
MAIQUI, IBINULGAR ANG MGA ‘FIRST TIME’ NILA NI ROBI
IBINAHAGI ni Maiqui Pineda ang isang larawan nila ni Robi Domingo, kalakip ang isang sweet at punumpuno ng pagmamahal na mensahe para sa kaarawan ng mister.
Ani Maiqui, “Today’s birthday celebration may be a little more low-key than usual. The day may have felt like any other day but it was filled with so many firsts. Our first time celebrating with our little baby boy, our first time celebrating as parents, our first time going to mass as a family, and our first dinner date (even if it was just downstairs in our building).
“Our life looks a little different now and the days may be more tiring than ever but what a joy it has been to experience all of this with you. We’re so lucky to have you.
“Happy, happy birthday, @iamrobidomingo! We love you.”
Happy, happy birthday, my favorite Robi Domingo!
Ngayong parents na…
MAIQUI, IBINULGAR ANG MGA ‘FIRST TIME’ NILA NI ROBI
SSS, as in “super sa saya” ang aktres na si Dianne Medina matapos niyang mapuntahan ang Great Wall of China habang may 20-hour layover siya sa Beijing.
Ani Dianne, “Finally made it to the Great Wall of China!
“Making the most of our 20-hour layover in Beijing with a quick adventure to one of the world’s most iconic landmarks. Definitely one for the books!”
Samantala, sa comment section ng post ni Dianne ay nagkomento rin ang mister niyang Rodjun Cruz na dream din niyang mapuntahan ang Great Wall of China.
Ani Rodjun, “Solid! Dream ko din mapuntahan ‘yan! Balik tayo!”
Well, go, go, go, Rodjun! Balik kayo at isama mo na rin kami. Hahaha!
IPINAKITA ng Kapamilya singer na si Justin Mclaire ang kanyang romantic side sa bagong EP (extended play) na OUTLOUD.
Tampok sa EP na inilabas ng StarPop ang iba’t ibang kuwento ng pag-ibig at patuloy na pagpili sa isa’t isa sa gitna ng saya at mga pagsubok.
Mula sa komposisyon nina Dennis Campañer, Russu Laurente, Rex Torremoro, Ron Pangyarihan, Trisha Denise, at ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo ang mga awitin, habang nagsilbing overall producer ang StarPop label head na si Roque ‘Rox’ Santos.
Unang awitin sa EP ang Click, na tungkol sa pagiging komportable kasama ang taong iniibig.
Sinundan ito ng Sang-Ayon, na umiikot sa pagiging sigurado sa taong mahal kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao tungkol sa kanilang relasyon.
Sa Pahina, inihalintulad ang pag-ibig sa isang libro kung saan bawat pahina ay may kuwentong puno ng saya at pagsubok. Hatid naman ng Tara Tara ang feel-good na road trip vibe tungkol sa excitement ng paglalakbay basta kasama ang taong mahal.
Ang simpleng kilig ng paghihintay sa mensahe ng special someone ang tampok sa Fave Notiff. Ipinapakita naman ng Lilipad ang saya at excitement ng unti-unting pagkahulog sa isang tao at pagiging sabik na makasama siya.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments