Marami at malalaking buwaya, babala na pababagsakin ng mga kaaway
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 21, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robin ng Masbate.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyo. Isa ako sa mga tagasubaybay ng inyong kolum at gusto ko ring magpaanalisa ng panaginip ko.
Napanaginipan ko na nakasakay ako sa airplane at sa tabing bintana ako nakaupo. Sarap na sarap akong tingnan ang view hanggang sa bigla akong natakot dahil may nakita akong naglalakihang buwaya sa dalampasigan, tapos ang dami-dami ng mga ito.
Ano ang kahulugan ng panaginip ko?
Naghihintay,
Robin
Sa iyo, Robin,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakasakay ka sa airplane ay babala na dapat kang mag-ingat sa susunod na hakbang na dapat mong gawin.
Ang view na natanaw mo at nasiyahan ka sa iyong nakikita ay nagpapahiwatig naman na masisiyahan ka sa resulta ng mga plano mo sa kabila ng mga sagabal na iyong pinagdaanan.
Samantala, ang naglalakihang buwaya na natanaw mo ay nangangahulugang may lihim kang mga kaaway na gusto kang pabagsakin. Mapanganib sila, kaya dapat kang mag-ingat sa lahat ng sandali.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments