- BULGAR
Manliligaw na may mahabang heart line, ‘di dapat sagutin dahil sobrang seloso
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | May 8, 2022

KATANUNGAN
Ano ang ibig sabihin kapag sobrang haba ng Heart Line? Ganu’n kasi ang nakita kong Heart Line sa aking manliligaw na malapit ko nang sagutin. Pero nagdadalawang-isip pa rin ako dahil bukod sa hindi pa naman kami lubusang magkakilala, hindi ko pa rin kabisado ang ugali niya. Gayundin, iniisip ko na baka hindi rin maging maligaya ang bubuin naming relasyon.
Sa Astrology, Libra siya habang ako ay Capricorn. Magka-compatible ba ang aming mga zodiac sign?
Mababasa rin ba sa guhit ng palad kung kailan ako magkaka-boyfriend at kung magiging maligaya ang papasukin kong relasyon?
KASAGUTAN
Kapag sobrang haba ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h), ibig sabihin, tumagos sa kabilang gilid ng palad ang nasabing “guhit ng damdamin” (arrow a.) sa kaliwa at kanang palad, ito ay tanda ng “excess na pag-ibig”. Kadalasan, ang excess na pag-ibig ay humahantong sa “jealousy” o sobrang pagiging seloso. Kumbaga, ang akala niya ay mahal na mahal niya ang kanyang karelasyon, pero ang totoo, ang mahal na mahal pala niya ay ang kanyang sarili. Dahil dito, sobra ang takot niya na mawala ang kanyang “object of love”, na humahantong sa pagiging sobrang makasarili.
Kaya tama ang iyong iniisip na hindi mo siya dapat sagutin, idagdag pang hindi rin compatible ang zodiac sign n’yong Libra at Capricorn. Ibig sabihin, kahit maging magkasintahan kayo, siguradong hindi rin magtatagal ang inyong relasyon dahil lalabas din ang tunay niyang ugali. At bagama’t magiging seryoso siya sa iyo, ang pag-ibig na ‘yun ay magiging possessive lamang at hahantong sa sobrang pagseselos dahil hindi niya napapansin ang kanyang pagiging makasarili. Ibig sabihin, kung siya ang una mong magiging boyfriend, walang duda na hindi ka rin magiging maligaya sa piling niya.
MGA DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Jillian, partikular sa maganda namang Heart Line (Drawing A. at B. h-h) na nakatuntong sa Mount of Jupiter (arrow b.) sa kaliwa at kanang palad, ito ay nagsasabing kapag iniwasan at hindi mo sinagot ang kasalukuyan mong manliligaw, sa sandaling may dumating muling lalaki na isinilang sa zodiac sign na Gemini o Aquarius, na tunay na ka-compatible ng Libra, tiyak na ang magaganap.
Sa unang pag-ibig, magkakaroon ka ng maligayang karanasan na kinumpirma ng kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Sa pag-ibig na ito, sigurado ring hahantong sa masaya at panghabambuhay na pag-aasawa, na ayon sa iyong Love Calendar, ito ay nakatakdang mangyari sa taong 2025 at sa edad mong 24 pataas.