Manila RTC Judge Abadilla, binaril sa loob ng opisina
- BULGAR

- Nov 11, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 11, 2020

Binaril si Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 45 Judge Ma. Theresa Abadilla sa kanyang opisina alas-2:45 ng hapon, ngayong Miyerkules, November 11.
Agad na dinala sa Manila Medical Center ang 44-anyos na si Abadilla, kung saan ang suspek ay sarili niyang clerk of court na si Amador Rebato, ayon sa report ng Special Mayor's Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District (MPD).
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa chamber ni Abadilla na nasa ika-5 palapag ng gusali.
“It appears that on said date and time, said victim and suspect while inside the office of the said Judge Samonte (Abadilla), witness heard a gunshot,” ayon sa report ng MPD.
Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa lugar ng pinangyarihan. Wala pa ring ibinibigay na detalye sa kondisyon ni Abadilla.








Comments