top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Malinaw ayon sa Western Astrology… Magkasintahang swak sa isa’t isa, sa taong 2024 ikakasal

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 24, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | November 24, 2023




Dear Maestro,



Dalawang taon na ang relasyon namin ng boyfriend ko. Itatanong ko lang sana kung compatible ba kami? Kung sakaling oo, kailan kami maaaring magpakasal? Sa ngayon, wala pa kaming balak para ru’n, nag-iipon palang kasi kami. Pero, nagsasama na kami na parang mag-asawa. Sana masagot n’yo ang tanong kong ito kasi nag-aalala ako na baka matulad ang lablayp ko sa iba na sa hiwalayan din bumabagsak. Sana ‘wag naman ganu’n ang mangyari sa amin ng boyfriend ko.


Ang birthday ko ay November 29, 1993 habang August 16, 1991 naman ang nobyo ko.

Umaasa,

Kim ng San Mateo, Norzagaray, Bulacan



Dear Kim,


Ayon sa birthday mong November 29, 1993, ikaw ay nagtataglay ng zodiac sign na Sagittarius, sa birth date na 29 o 2 (2+9=11/ 1+1=2) sa destiny number na 8, naging 8 ang destiny number mo dahil ang iyong birthday ay kinokompyut ng ganito, 11+29+1993=2033/ 20+33=53/ 5+3=8.


Habang ang boyfriend mo naman na isinilang noong August 16, 1991 ay nagtataglay ng zodiac sign na Leo sa birth date na 7 (ang 16 ay 1+6=7) sa destiny number na nagkataon pareho kayo na 8 din, dahil ang kanyang destiny number ay kinokompyut ng ganito 8+16+1991=2015/ 20+15=35/ 3+5=8.


Ibig sabihin, ayon sa Western Astrology tunay ngang ang zodiac sign mong Sagittarius ay tugma sa zodiac sign na Leo ng boyfriend mo, sapagkat kapwa kayo nagtataglay ng elementong apoy o fire. Habang sa Numerology naman ang birth date mong 29 o 2 (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) at 7 o 16 naman ang boyfriend mo (ang 16 ay 1+6=7) ay sadyang compatible rin sa isa’t isa, dahil ang numerong 2 at 7 ay parehong tinatawag na weak number at kapwa pinangingibabawan ng elementong tubig o water sa planetang Moon-Neptune.


Samantala, ang pagiging compatible n’yong dalawa ng boyfriend mo ay lalo pang pinagtibay na nagkataong kapwa kayo nagtataglay ng destiny number na 8, dahil sa mga datos na naturan, walang duda kayo na nga ang magkakatuluyan at ayon sa inyong Love Calendar tinatayang ang inyong pag-iisang-dibdib o pagpapakasal ay nakatakdang maganap sa susunod na taong 2024 sa buwan ng Mayo o Hunyo sa edad mong 31 pataas at 33 naman ang boyfriend mo.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page