Malinaw ayon sa palad… Torpeng crush, makakatuluyan
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | February 25, 2022

KATANUNGAN
May crush ako, pero may pagka-torpe at mahiyain siya. Nasa guhit ba ng palad ko na siya na ang magiging boyfriend ko kahit ganu’n siya? Sa edad ko kasing 20 na sa December 5, kahit minsan ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend.
Bagama’t marami akong manliligaw, hindi ko naman sila gusto at ‘yung isang guy na crush kong napaka-cute na classmate ko rin, hindi ko alam kung bakit parang hindi niya napapansin ang beauty ko o likas lang siyang may pagkamahiyain.
Minsan, naitatanong ko sa aking sarili kung may crush din kaya sa akin ang lalaking ito? Maestro, dapat ba akong umasa o makipagrelasyon na lang ako sa iba kahit hindi ko type? Kaso parang hindi ko yata magagawa dahil minsan lang ako nagka-crush ng ganito at siya na talaga ang gusto kong maging boyfriend, matutupad ba ito?
KASAGUTAN
Kung ang sinasabi mong lalaki ay isinilang sa zodiac sign na Leo, Aries, Gemini o buwan ng May ang kapanganakan at may birth date na 5, 14, 23, 9, 18, 27, 7, 16 at 25, tiyak ang magaganap, ayon sa Astro-Numerology na pag-aanalisa dahil sa taon ding ito ng 2022, walang duda na magiging boyfriend mo siya.
Ang pag-aanalisang wala namang gaanong kasiphayuan sa pag-ibig na itatala sa iyong kapalaran ay madali namang kinumpirma ng maganda, walang bilog at hindi nalatid na Heart Line (Drawing A at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na hindi ka naman mabibigo sa aspetong emosyon o sa larangan ng damdamin, bagkus, ang totoo, ang nakatuntong na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa Bundok ng Jupiter na tinatawag din nating Bundok ng Kaligayahan (arrow b.) ay nagsasabing isang romantikong pag-ibig at masayang pakikipagrelasyon ang sadyang nakalaan na sa iyo.
At hindi pa ‘yun ang pinakamaganda, bagkus, ang kaisa-isang malinaw, mahaba at makapal ding Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabing, ang unang seryoso, meaningful at puno ng kaligayahang pag-ibig at pakikipagrelasyon ang siya na ring makakatuluyan at mapapangasawa mo.
MGA DAPAT GAWIN
Alam mo, Maggie, sa aktuwal na pangyayari, bihirang-bihira na ‘yung kapwa may crush sa isa’t isa ang nagkakatuluyan. Ito ay dahil sa panahong teenager ang isang indibidwal, kapag may crush ka sa isang babae o lalaki, para bang nahihiya kang kausapin at makipagkuwentuhan sa kanya. At dahil likas na mahiyain sa iyong crush, napupurnada ang mabubuo at magiging maligaya sanang relasyon, na maaaring maging panghabambuhay na.
Pero sa kaso mo, sadyang sinusuwerte ka dahil ayon sa iyong mga datos, ang kasalukuyang crush mo na nagtataglay ng initial na R.J, ang siya na ring magiging boyfriend mo bago sumapit ang buwan ang iyong ika-20 kaarawan sa Disyembre. At sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, sa buwan pa lang ng Mayo ngayong 2022, magaganap ang isang simple pero masayang relasyon na panghabambuhay. Sa panahong ‘yun, masasabi mong napakasuwerte mo dahil kung sino pa ang crush na crush mo, siya na rin ang naging first and last boyfriend mo.




Comments