Malinaw ayon sa palad… 37-anyos na ayaw tumandang dalaga, makakapag-asawa sa 2023
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | April 19, 2022

KATANUNGAN
Ako ay 37-anyos na at dalaga hanggang ngayon. May ka-chat ako na kapwa natin Pinoy, pero may girlfriend na siya. Halos isang taon na ang friendship namin through social media at halos naikuwento niya na ang lahat ng tungkol sa buhay niya at ganundin ako sa kanya. Isa na lang ang kulang para masabing close na talaga kami, at ‘yun ay ang magkita kami sa personal, pero parang hindi mangyayari dahil may nga girlfriend siya.
Naisipan kong kumonsulta sa inyo upang ipabasa ang guhit ng aking mga palad kung may chance pa bang magka-boyfriend at makapag-asawa ako.
Maestro, siya na ba ang magiging boyfriend ko kahit may girlfriend na siya o may ibang lalaki pang darating sa buhay ko? Gayundin, kung makapag-a-asawa ako, kailan ito posibleng maganap?
KASAGUTAN
Buti na lang at may kaisa-isang malinaw, mahaba at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M) na tumubo at umusbong (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay nagpapahiwatig na kahit medyo may edad ka na, hindi ka pa rin mapag-iiwanan dahil hindi ka inilaan para tumandang dalaga. Sa halip, tiyak na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, ikaw ay makapag-aasawa at magkakaroon ng masayang pamilya.
Ang pag-aanalisang kahit medyo naghahabol ka na sa panahon ngunit magiging maligaya pa rin ang love life mo ay madali namang kinumpirma ng magandang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) na tumuntong o dumila sa Bundok ng Jupiter na tinatawag ding Bundok ng Kaligayahan (arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Ito ay tanda na may tunay at wagas na pag-ibig na kakatok sa iyong puso at sa sandaling siya ay iyong pinapasok at minahal, tuloy-tuloy nang mabubuo ang simple pero napakasayang relasyon na hahantong sa panghabambuhay na pagsasama.
MGA DAPAT GAWIN
Sa tanong na kung ang chatmate mo na ang iyong mapapangasawa, ang sagot ay depende sa zodiac sign at birth date mo. Nakaligtaan mo kasing ilakip sa e-mail ang iyong kumpletong birthdate kaya hindi natin maberipika kung sa paaanong paaran ka makapag-a-asawa.
Gayunman, kung ikaw ay under sa zodiac sign na Virgo or Libra o may birth date na 5, 14 at 23, at medyo square na medyo bilugan at cute ang hugis ng iyong mukha at medyo mababa ang iyong height, ikaw ay nagtataglay ng “Mercurian type of personality”. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na sa pamamagitan ng modernong komunikasyon mo makikilala ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran na makasama mo habambuhay.
Kung purong Palmistry ang pagbabatayan, ayon sa guhit ng iyong palad, tiyak ang magaganap sa taong kasalukuyan — sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo, mami-meet mo na ang iyong mapapangasawa, upang pagsapit ng taong 2023, sa panahon ng tag-araw at sa edad mong 38 pataas, isang lalaking nagtataglay ng initial na J.R ang iyong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.




Comments