top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa birthday… Seaman BF, makapag-a-abroad at makakatuluyan, yayaman pa sa negosyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| December 3, 2020



Dear Maestro,


May mga katanungan ako na gusto kong masagot n’yo. December 14, 1991 ang birthday ko at September 5, 1989 naman ang boyfriend ko. Gusto kong malaman kung kami na ba ang magkakatuluyan?


Alam n’yo, mahal na mahal ko ang aking boyfriend, kaya sana ay kami na ang magkatuluyan at gusto ko ring malaman kung makapag-a-abroad ba ang boyfriend ko? Seaman siya pero hindi pa siya nakakasakay sa barko simula nang nag-apply siya noong 2018.

Umaasa,

Aira ng Palihan, Hermosa, Bataan

Dear Aira,


Sadyang compatible ang birth date mong 14 o 5 (ang 14 ay 1+4=5) sa birth date na 5 rin ng boyfriend mo kung saan dahil kapwa kayo isinilang sa numerong 5, tunay ngang magkakasundo kayo, lalo na sa pagkakaperahan at aspetong may kaugnayan sa pagnenegosyo.


Dagdag pa rito, sa pag-aanalisang Numerology, kapag ang magkasintahan o mag-asawa ay kapwa isinilang sa petsang 5 at naisipan nilang mag-joint-force sa negosyo, tiyak na papalarin sila hanggang sa umunlad nang umunlad ang kanilang negosyo at sa bandang huli, ang mag-asawang parehong singko (5, kasama rin ang 14 at 23) ay siguradong yayaman nang yayaman. Ito ay dahil ruling planet ng numerong 5 ay Mercury, na ayon sa mitolohiyang Greigo-Romano, si Mercury ay siya ring “Diyos ng pag-aalok, pagbebenta at pagnenegosyo.”


Humigit-kumulang ganundin ang mangyayari sa inyong kapalaran ng boyfriend mo, Aira —tunay na kayo ay uulad at aasenso ang inyong kabuhayan sa pamamagitan ng pagnenegosyo. Kaya ngayon pa lang, dapat magmahalan kayo nang tunay at ‘wag maghihiwalay dahil kung hindi kayo magkakatuluyan, sayang ang malaking pagyaman na ipinapangako ng kapwa n’yo numerong singko.


Hinggil naman sa pagsi-seaman at pag-a-abroad ng iyong nobyo, tulad ng nasabi na, may tatlong paraan o bagay na nagpapayaman sa mga Taong Singko.


Una, ang walang tigil na pagnenegosyo kung saan kapag nagnegosyo ang mga Taong Singko, tiyak na yayaman at uunlad ang kanilang buhay.


Pangalawa, kapag ang Taong Singko ay nag-asawa at nagkataong ang napangasawa niya ay Taong Singko rin, (minsan kahit hindi Taong Singko ang napangsawa), ito ay nagdadala sa kanya sa pagyaman.


Ikatlong o huling paraan upang umunlad at yumaman ang mga Taong Singko ay ang pag-a-abroad. Kaya kung mag-a-abroad nang mag-a-abroad ang boyfriend mo na isinilang noong September 5, 1989, siguradong tuluy-tuloy siyang uunlad hanggang sa tuluyang makapag-asawa. At kapag kayo ang nagkatuluyan, tulad ng nasabi na, sa patuloy na pagmamahalan at pag-uunawaan at pagkatapos ay nagkaroon pa kayo ng negosyo, siguradong yayaman kayo nang yayaman.


Habang, ayon sa Travel Calendar ng boyfriend mo, sa susunod na taong 2021, sa edad niyang 32 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa kanyang kapalaran, upang pagsapit naman ng 2023, sa edad niyang 34 at 32 ka naman, kayo na ang magkakatuluyan, hanggang sa tuluyan kayong makabuo ng maunlad at maligayang pagpapamilya habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page