Search
  • BULGAR

Malinaw ayon sa birthday...

Mag-dyowang may weak number, compatible kaya malulutas agad ang darating na problema

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| June 25, 2020



Dear Maestro,

Balak na naming magpakasal ng boyfriend ko. June 22, 1992 at February 20, 1991 ang birthday namin. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung magiging masaya ba ang pagsasama namin kung sakaling kami ang magkakatuluyan? Halimbawa, natuloy ang balak naming kasal next year, ano ang magandang kulay o motif, gayundin, uunlad ba ang buhay namin at ano ang bagay na dapat naming gawing negosyo?

Umaasa,

Judith ng San Agustin, Novaliches, Quezon City

Dear Judith,

Ang zodiac sign mong nasa pagitan ng Gemini at Cancer ay tugma sa zodiac sign ng boyfriend mong nasa pagitan naman ng Aquarius at Pisces ang zodiac sign.


Samakatuwid, kung purong Astrolohiya ang pag-uusapan, compatible kayo sa isa’t isa dahil tulad ng nasabi na, nasa pagitan ng dalawang zodiac sign ang inyong birth date na 22 at 20.


Gayundin, ang birth date mong 22 o 4 (2+2=4) ay itinuturing na "weak number", na tugmang-tugma sa weak number na 20 o 2 (2+0=2) ng boyfriend mo, kaya kung tutuusing mabuti, suwetong-suweto ang pagsasama ng numerong 4 at 2.


Sa matuling salita, habang kayo ay patuloy na nagsasama at nagmamahalan, wala namang gaanong mabibigat na problemang itatala. Sa halip, kung may dumating man, ang nasabing mga suliranin ay madali n’yong malulutas dahil tugmang-tugma at suweto kayo sa isa’t isa.


Mapalad naman kayo sa mga negosyong may kaugnayan sa butil, sari-sari store at grocery tulad ng bigas, feeds, delata at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga tao. Puwede n’yo ring subukan ang gulay, bungang kahoy, laman-ugat at mga produktong may kaugnayan sa tubig at nakukuha sa ilog at dagat. Sa mga negosyong nabanggit, mabilis na uunlad at aasenso ang inyong kabuhayan.


Ang mga negosyong may kaugnayan sa pagdi-dealer o pagde-deliver ay maaari ring isaalang-alang kung saan sa pagiging "middleman" ng malalaking kumpanya, patungo sa retailer o tingian, nakatakda ring umunlad at umasenso ang inyong pamumuhay.


Kung nagbabalak namang magpakasal sa 2021 o 2022, isaalang-alang ang kulay na pula o berde. Ang dalawang kulay na ‘yan ang lagi n’yong gamitin sa bahay,silid at pang-araw-araw n’yong pamumuhay. Sa ganyang paraan, paggamit ng tama at suwerteng kulay, mas madali n’yong mahahatak ang suwerte sa aspetong pang-materyal at ganap na kaligayahan sa aspetong pag-ibig at pagpapamilya.


Ayon sa Decadens ng Kapalaran, nakatakdang umangat nang husto ang aspetong pang-materyal at kasabay ding makakamit ang wagas at masayang kaligayahan sa pakikipagrelasyon at pampapamilya sa 2022 sa edad mong 29 pataas at 30 naman ang boyfriend mo.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.