top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw at malawak na Travel Line, indikasyon na uunlad at yayaman sa pag-a-abroad

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| November 23, 2020




KATANUNGAN


  1. Matagal na akong sumusubaybay ng mga artikulo n’yo, pero hindi ko pa rin gaanong nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng Fate Line na nag-start sa Life Line at natapos sa ilalim ng gitnang daliri.

  2. Ganyan kasi ang guhit ng palad ko, kaya sana ay masagot n’yo ang katanungan kong ito upang maunawaan ko nang lubos kung ano ang mangyayari sa aking kapalaran, lalo na sa career at hanapbuhay.


KASAGUTAN


  1. Kapag ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) ay nagsimula na nakadikit sa Life Line (L-L arrow b.) sa kaliwa at kanang palad, ito ay tanda na sa sarili mong diskarte at pagsisikap, kayang-kaya mong mag-isa na maiahon ang iyong buhay sa kahirapan, gayundin ang iyong pamilya na nasa probinsiya.

  2. Ito ang tipikal na kuwento ng indibidwal na nanggaling sa mahirap na angkan, ngunit dahil sa marubdob at matinding pagsisikap, nagawa niyang paunlarin ang sarili niyang buhay, ganundin ang buhay ng kanyang mga magulang sa probinsiya. Ibig sabihin din nito, daraan ang karanasan mo sa hindi birong pagsisipag hanggang sa bandang huli ay nakamit mo ang maunlad at masaganang pamumuhay (F-F arrow c.).

  3. Madali namang pinatunayan at kinumpirma ang nasabing pagtaya sa itaas, na makakaahon ka sa kahirapan kasama ng iyong mga kamag-anak at kapamilya sa inyong probinsiya ng malinaw at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, makapag-a-abroad ka at sa sandaling tuluyan kang nakalayo sa sinilangan mong bayan, unti-unting itatala ang sunud-sunod mong suwerte at magandang kapalaran hanggang sa tuluy-tuloy nang umunlad at makaahon sa kahirapan ang inyong pamilya.


DAPAT GAWIN


Kaya, ayon sa iyong mga datos, Dan, kung kasalukuyan kang naninirahan sa inyong probinsiya at balak mong lumuwas ng Maynila o makipagsapalaran sa ibayong-dagat, tiyak na sa 2021, sa edad mong 34 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran. Ito ang magiging daan upang ikaw ay umunlad at maiahon mo sa kahirapan ang iyong pamilya hanggang sa magkaroon ka ng sariling pamilya, na may kakayahan ka ring mapaunlad sa sariling mong pagsisikap at pagsisipag hanggang sa tuluyan na kayong umunlad at yumaman (H-H arrow e.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page