top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Maliliit na negosyo, 'backbone' ng ekonomiya, dapat lang na mas patatagin

BULGAR
Aug 30, 2022
1 min read

@Editorial | August 30, 2022


Sa nakalipas na dalawang taon, maraming negosyo ang pinadapa ng pandemya dulot ng COVID-19.


May mga tuluyan nang nagsara habang may ilan naman na patuloy na nakikipagsapalaran, umaasa na makakabawi pa rin.


At ngayon na unti-unti nang nagkakaroon ng pag-asa at lumalakas nang muli ang ekonomiya ng bansa, nabubuhayan na ng loob ang mga negosyante.


Nakakatuwa rin na kabilang din sila sa mga prayoridad ng gobyerno. Kung saan, sa launching ng Micro, Small, Medium Enterprises o MSME Summit 2022, binigyang halaga ang papel ng maliliit na negosyante sa bansa.


Ang MSMEs ay itinuturing na ‘backbone’ o pundasyon ng ekonomiya ng bansa lalo’t kalahati umano ng bilang ng mga manggagawa sa bansa ay galing sa kanilang hanay.

Kaya marapat lang na mabigyan ng proteksyon ang mga negosyante para mapaunlad pa ang kanilang negosyo na magsisilbing daan para sa pagbubukas ng mas maraming trabaho o oportunidad sa mga kababayang nangangailangan.


Sadyang hindi matatawaran ang sipag, dedikasyon, diskarte at pagsisikap ng mga Pinoy. Sa kabila ng mga pagsubok, nagagawa pa ring ngumiti, tanggapin ang sitwasyon at lumaban. Pero siyempre, kailangan pa rin ang pag-alalay ng gobyerno, kaagapay ang mga nasa pribadong sektor.


Umaasa tayo na makakaraos din tayo sa mga kinakaharap na krisis. 'Ika nga, kahit mabagal, ang mahalaga, tayo'y umuusad. Samahan lang ng tiyaga, katapatan at higit sa lahat, pananalig sa Diyos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page