top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Malayo ng pagkakaiba sa ibang bansa sa Asya… Inflation rate sa 'Pinas, oa sa taas!

BULGAR
Nov 18, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 18, 2022


'GUTOM NA GUTOM' SA CONFIDENTIAL FUNDS ANG MGA TRAPO—Sa panahon ngayon, hindi lang ordinaryong mamamayan ang nakararanas ng gutom, kundi pati ang mga trapo (traditional politicians).


Pero hindi sa pagkain, kundi sa confidential funds!


◘◘◘


TULAD NG PORK BARREL, SOURCE RIN NG KORUPSYON ANG CONFIDENTIAL FUNDS—Sa mga Pinoy na nakakaintindi sa isyu ng confidential funds, tutol silang bigyan nito ang mga trapo dahil hindi ito nao-audit ng Commission on Audit.


Ang kaban ng bayan na napunta sa kamay ng sinumang trapo at hindi in-audit ng COA ay maaaring kurakutin lang.


Sa madaling salita, ang confidential funds ay tulad ng pork barrel na source ng korupsyon.


◘◘◘


MABUTI PA ANG IBANG BANSA SA ASYA MABABA ANG INFLATION RATE, PERO SA 'PINAS UBOD NG TAAS—Hindi dapat ikatwiran ng pamahalaan na ang pagsirit sa 7.7% inflation rate ng Pilipinas ay dahil sa epekto ng pandemya at digmaan ng Russia at Ukraine kasi may mga bansa rin naman sa Asya, partikular sa Southeast Asia na naapektuhan ng pandemya at Russia-Ukraine war, pero hindi ganun kataas ang presyo ng mga bilihin at bayarin sa kanilang bansa.


Para sa kaalaman ng publiko, sa ngayon ang inflation rate ng Indonesia ay 5.7%; Singapore ay 5.5%; Thailand ay 5%; Vietnam ay 4.4%; Malaysia ay 4%, na napakababa kumpara sa inflation rate ng Pilipinas na nasa 7.7%!


◘◘◘


KAPAG TINANGGAL ANG OIL VAT AT OIL EXCISE TAX, MALAKI ANG MABABAWAS SA PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO—Sa totoo lang, kung gugustuhin ng pamahalaan na bumaba ang inflation rate sa Pilipinas ay kaya namang gawin.


Tanggalin lang ang oil value-added tax (VAT) at oil excise tax.


Base sa kompyutasyon ng ekonomistang si Sonny Africa ng Ibon Foundation, kapag tinanggal ang VAT at excise tax sa langis ay mababawasan ng P19.54 ang kada litro ng gasolina at P16.29 ang kada litro ng diesel, at kapag nangyari 'yan, bababa ang inflation rate, bababa ang presyo ng mga bilihin at bayarin sa Pilipinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page