Malas o suwerte: Misteryo ng no. 7, alamin!
- BULGAR

- Jul 28, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | July 28, 2020

Sa buong mundo ang numero 7 ay kinikilala bilang isa sa pinakamasuwerteng numero kung saan maliban sa pagiging suwerte napapaloob sa numerong ito ang iba’t ibang misteryo na makapagpapaisip sa tao kung dahil ba ito sa naturang numero o nagkataon lang.
Sa isang pagkakataon, isang babaeng taga-New York City na isinilang noong Hulyo 7, 1907 ang nagpakasal sa isang lalaking nabibilang sa Navy na nagkataong may outbreak ng mga sakit noong World War II. Ipinadala ang kanyang mister sa South Pacific sa ship no. 777 at pinalad na makauwi na hindi man lang nasugatan o nasaktan sa kabila ng nakakatakot na kamikaze bombings at bagyo. Ang naturang babae ay namatay noong 1985 sa edad na 77.
Samantala, mayroon tayong 7 Ages of Man at mayroon ding 7 Wonders of the Ancient World na tunay na ipinagmamalaki ng bawat isang tao.
Ngunit mayroon ding madilim na bahagi ang numero 7, ayon sa eksperto ng numerology. Ang terrorist bombing na naganap sa London ay noong Hulyo 7, 2005 ang petsa na mayroong tatlong 7, sa buwan, date at suma ng naturang taon (2+5=7) at naitala na ang pangalang Al Qaeda ay binubuo ng 7 letra. Ilan pa sa katotohanang napapaloob sa numero 7 ay ang unang bombing sa ganap na 8:51 a.m. (8+5+1=2x7) sa pagitan ng unang bomba at huli, 56 (7x8) minutong nagdaan, ang serial number ng naturang target na bus ay 17758 (1+7+7+5+8=28=4x7).
Masamang araw din ang Hulyo 7 sa kasaysayan ng babaeng si Mary Sumal. Taong 1865 nang una siyang patawan ng kaparusahan bilang kauna-unahang babaeng hinatulan ng kamatayan sa U.S. dahil sa diumano’y pakikibahagi sa pagpaslang kay Abraham Lincoln sa kabila ng mga ebidensiyang nagsasaad ng kanyang pagiging inosente hindi rin niya naisalba sa huli ang kanyang buhay.
Sinasakop ng mga Hapon ang Tsina noong Hulyo 7, 1937 at ito ang nagbunsod sa pagsiklab ng World War II. Ang NAZI’s ay walang awang pumaslang sa 5,000 bilang ng Jews sa loob lamang ng isang araw noong Hulyo 7, 1941 habang naglunsad naman ng medical experiments sa Jews sa parehong petsa ng kasunod na taon.
Ayon naman sa alamat, ang ika-7 anak na lalaki ng sinumang mag-asawa ay maaaring maging mangkukulam o salot.
Gayundin, pinaniniwalaan na ang aksidenteng pagkabasag ng salamin sa loob ng bahay o kung saan pa mang lugar ay magbubunsod sa 7 taon na kamalasan. Sa huli ang numero 7 ay kilalang pigura sa mga religious tradition.
Gayundin ang paggawa o pagkakasangkot sa isa sa 7 Deadly sins ay pinaniniwalaang magbubunsod sa pamamalagi sa ika-7 antas ng impiyerno, na ito-torture ng may 7 ulo na halimaw ayon sa aklat ng Revelation.
Ang mga Jews ay nagluluksa sa kamatayan ng kanilang mga minamahal sa loob ng 7 araw o ang pagbuburol ng 7 days bilang tinatawag na ‘sitting shivah.’
Pitong araw na nilikha ng Diyos ang mundo.Ang mga Muslim ay naglalakad sa palibot ng Holy Ka’aba stone sa Mecca ng pitong beses, upang kumatawan sa 7 atribusyon ni Allah.
Habang 7 naman ang milagro o sign na naitala sa Bibliya ng Diyos. 1. Ang tubig na naging alak. 2. Napagaling ang anak ng isang hari sa Capernaum. 3. Nakapaglakad ang isang paralitiko sa Bethesda. 4. Napakain ang 5,000 katao. 5. Naglakad si Hesus sa ibabaw ng tubig. 6. Nagkaroon ng paningin ang isang bulag. 7. Binuhay si Lazaro.








Comments