top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Malalang gutom sa taas-presyo, agapan

BULGAR
Jul 18, 2022
1 min read

@Editorial | July 18, 2022


Sa patuloy at sabay-sabay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, ibinabala ang mas malala at malawak na pagkagutom.


Ayon sa National Nutrition Council (NNC), maraming pamilya ang magugutom dahil sa non-stop price hike sa mga pagkain.


Maaari rin umano itong humantong sa “poor nutrition” sa mga pamilya, lalo na sa mga bata.


Batay sa hunger incidence surveys, mahigit 3 milyong pamilya ang nakaranas ng gutom sa unang mga buwan nitong taon dulot ng COVID-19 pandemic.


Sa ganitong pagkakataon, mas kailangang magtulungan ng lahat. Dapat maagapan ang bantang mas malalang gutom.


Bilang mamamayan, mas galingan natin ang diskarte sa pagba-budget at pagpili ng mga pagkain na mura at masustansya.


Kung may bisyo, tigilan na. Mas dapat na ilaan ang pera sa pangunahing pangangailan at hindi sa masamang gawain at umiwas din sa luho.


Sa ating gobyerno, dapat na higit pang makipag-ugnayan sa sektor ng agrikultura at magbigay ng mas maraming programang pangkabuhayan at hanapbuhay upang labanan ang sinasabing hunger incidence.


Sama-sama nating iwasan ang pagkagutom at panahon na para ibangon ang ating bayan mula sa pandemyang ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page