top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Makapag-a-abroad kahit walang travel line dahil sa will power

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | February 03, 2022




KATANUNGAN

  1. Gusto kong malaman, Maestro, kung may pag-asa ba akong makapag-abroad kahit wala akong makitang Travel Line sa aking palad? Sa ngayon, nagtatrabaho ako sa isang telecom, pero hindi pa rin nagkakasaya sa aking pamilya ang maliit na suweldo ko kahit matagal na ako rito. May mga dating kasamahan ako na nasa abroad na at niyayaya nila akong mag-apply para raw gumanda ang buhay ko.

  2. Dahil dito, kailangan ko ang gabay o payo n’yo upang mapanuto at mabigyan ko naman ng magandang kinabukasan ang aking pamilya.

KASAGUTAN

  1. Kahit walang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ang isang tao, basta’t ang uri ng hilatsa o hugis ng palad ay “square type” o “elementary hand” o mataba, tumatalbog-talbog kapag sinalat at kakaunti lang ang guhit (arrow b.), na nagkataong mas malaki ang unang hati ng hinlalaki (arrow c.) kaysa sa ikalawang hati (arrow d.), siya ang tinatawag na isang indibidwal na may will power.

  2. Ibig sabihin, higit niyang kinikilatis at naipapatupad ang kanyang gusto, hindi dahil sa anumang nakatakda kundi dahil sa kanyang tibay ng loob at determinasyon. ‘Ika nga, sila ang gumagawa ng kanilang kapalaran dahil sila ay pinagkalooban ng napakasimpleng guhit ng palad at napaka-square type na kamay. Ibig sabihin, hindi nangangailangan ang ganitong uri o klase ng palad, gayundin ng anumang guhit.

  3. Bagkus, ang kinakailangan lang ay firm determination at madali na nilang mapipitas ang tagumpay. At ang nakatutuwa, kabilang ka sa nasabing mga grupo ng tao na hindi inaasa sa tadhana, suwerte o sa kapalaran ang kanilang buhay at pangarap, kundi mas pinapahalagahan nila ang will power o ang sarili nilang determinasyon sa buhay.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Noon pa pinagtatalunan ng mga philosophers kung totoo na nakatakda na ang kapalaran o ito ay ginagawa ng isang tao. Pero sa totoo lang, wala namang pagtatalo sa nabanggit na argumento sa itaas dahil ang totoo, may kani-kanyang palad ang bawat nilikha.

  2. ‘Ika nga, sa usapang emosyon, may mga taong sobrang maramdamin at mababaw ang luha, kaya kapag namumroblema, halos sakluban sila ng langit at lupa. May mga tao namang pabandying-bandying o easy go lucky lang, na kahit may mabigat na problema sa pamilya ay nagagawa pa nilang magpakasaya. Tila ba balewala sa kanila ang anumang problema na dumarating sa kanila.

  3. Ganundin sa guhit ng palad at porma o hugis ng palad at sa hilatsa o uri o texture nito. Kapag ang hilatsa ng iyong palad ay hugis kandila, mabuto, halos walang laman, maraming mga guhit na hindi malilinaw, sila ang mga taong kahit araw-araw nilang sabihing “ginagawa ang kapalaran” ay hindi nila magagawa dahil itinakda na silang tangay-tangayin lang ng agos ng buhay.

  4. Subalit kapag ang palad ay firm, spongy o ‘yun bang malaman at tumatalbog-talbog kapag sinalat, may energy at mala-square type hand, at nagkataong kaunti ang malilinaw na guhit sa palad, ‘ika nga, aapat o lilima lang ang guhit – sila ang mga taong kahit sabihin nilang “itinatakda o nakatakda na ang kapalaran”, hindi mangyayari sa kanila ‘yun dahil “hard work at will power” ang magiging susi ng kabiguan at tagumpay sa buhay.

  5. Sa kaso mo, Edward, napabibilang ka sa ikalawang uri ng nilalang na binabanggit natin sa itaas. Hindi itinakda sa iyo ang kapalaran, bagkus, ito ay dapat mong gawin at hanapin, at kahit wala kang Travel Line (arrow a.), matatagpuan mo ang iyong suwerte at magandang kapalaran sa ibayong-dagat. Ayon sa iyong mga datos, nakatakdang mangyari ang isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa sa susunod na taong 2023 at sa edad mong 34 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page