top of page

Makapag-a-abroad kahit ‘di college graduate at mahirap

  • BULGAR
  • Mar 12, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | March 12, 2022



KATANUNGAN

  1. Gusto ko ring mag-abroad para maiahon sa kahirapan ang aming pamilya. Ang problema, bukod sa mahina ang loob ko ay undergraduate ako sa kursong education at wala kaming perang panlagay o pang-ayos ng aking mga papeles kung sakaling mag-a-apply ako sa abroad.

  2. Kaya simple lang ang gusto kong malaman, kapag ba nakatakda ang kapalaran, halimbawa, ang pag-a-abroad, anuman ang hadlang ay sigurado bang matutupad ito?

  3. Kung oo ang sagot sa unang tanong ko, ang ikalawa ay nakaguhit ba sa aking mga palad na makapag-abroad sa kabila ng hindi ako nakapagtapos ng college at kahit mahirap lang kami?


KASAGUTAN


  1. Hindi totoong nakatakda ang kapalaran kung hindi naman ito iginuhit sa kaliwa at kanang palad ng indibidwal. Sa madaling salita, matatakda o itatakda lamang ang kapalaran tulad ng pag-a-abroad, kung kapwa malinaw ang Travel Line sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Subalit, kung sa isang palad lang may Travel Line, halimbawa, sa kaliwa pero wala naman sa kanan, hindi ito ang sinasabing nakatakda, bagkus, ito ay gagawin pa lamang. Kung nasa kanang palad naman ang Travel Line pero wala sa kaliwang palad, hindi rin ito ang nakatakda, bagkus, ang senaryo namang ito ay nagsasabing pagsisikapan mo ang pag-a-abroad o pag-a-apply upang matupad ang pangingibang-bansa.

  3. Sa kaso mo, nakatutuwang makitang kapwa may malinaw, mahaba at maaliwalas na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, nakatakda kang makapag-abroad. Ang nagiging hadlang na lang ay ang pagsasama ng higit sa isang pulgada ng Head Line (H-H arrow b.) at Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  4. Ibig sabihin, may isa pang hadlang upang ang nakatakdang pag-a-abroad ay maganap at ito ay ang takot o kaduwagan mo, puwede rin nating sabihing mahina ang iyong loob na kinumpirma ng birth date mong 2. At upang masolusyunan ito, dapat kang sumama, bumuntot, makipagkuwentuhan o humingi ng advice sa mga positibong tao na nagtataglay ng strong number na 8, 17, 26, 1, 10, 19, 28, 9, 18 at 27, at sila ang mga taong tutulong sa iyo upang kahit bantulot kang kumilos at lumakad, itutulak ka nila upang marating mo ang daan patungo sa isang ganap at maligayang tagumpay.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Aira, wala kang dapat gawin ngayon kundi alisin ang takot, alinlangan at pagdadalawang-isip sa iyong pagkatao. Pagkatapos nito, kapag nagkaroon ka ng positibong pananaw, kahit hindi ka pa nakapagtapos ng pag-aaral at mahirap kayo, sigurado ang nakatakda sa susunod na taon— sa 2023, sa buwan ng Mayo o Hunyo hanggang Setyembre, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalar

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page