top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Makakatuluyan ang mister kahit dalawa ang marriage line

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 20, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| October 20, 2020




KATANUNGAN

1. May gumugulo sa isipan ko ngayon kaya ako sumangguni sa inyo. Ito ay tungkol sa aking Marriage Line. Napansin kong dalawa pala ang Marriage Line sa aking palad, pero may asawa na ako ngayon.

2. Ibig sabihin ba nito, dalawang beses akong makapag-aasawa o dalawa ang mapapangasawa ko? Paki-explain naman para mawala na ang kaguluhan sa aking isipan.

KASAGUTAN

1. Ang totoo nito, Juliet, kapag nakakita tayo ng Marriage Line sa palad, hindi naman ibig sabihin nito na asawa na agad. Sa halip, ginagamit lang ang salitang ito para sa kumbinyenteng usapan, pero ang totoo, ang Marriage Line ay siya ring tinitingnan kung meaningful, long engagement at quality relationship ang naranasan ng indibidwal na tumimo o tumagos sa kanyang puso, kaluluwa, alaala, karanasan at sa kanyang buong pagkatao. Ibig sabihin, ang Marriage Line ay ang mga relasyong sadyang hindi malilimutan dahil nag-iwan ng bitak sa puso at damdamin ng tao.

2. Kaya alisin mo muna sa isipan mo na ang Marriage Line ay “asawa”. Dahil kung laging asawa ang nasa isip mo kapag sinabing Marriage Line, at dahil dalawa nga ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M at 2-M arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad, baka kahit hindi naman ‘yun ang nakatakda ay maging dalawa nga ang asawa mo. Ang ibig kong ipaliwanag ay simple lang, ilang beses ka na bang na-in love o umibig nang sagad at tapat bago ka nakapag-asawa?

3. Kung pangalawang long engagement, quality relationship o meaningful love affair mo na si mister, dahil may nauna ka pang naging boyfriend bago mo siya napangasawa, hindi na kayo magkakahiwalay dahil ang unang Marriage Line (1-M arrow a.) ay nangyari o natapos na. Kaya naman nang dumating sa buhay mo ang kasalukuyan mong asawa, siya ang naging ikalawang meaningful relationship, masasabing siya na ang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) na mas mahaba at mas makapal sa nauna, na siya na ngang lalaki na nakatakda mong makasama habambuhay.

4. Matakot ka na maaaring hindi naman ganu’n dahil two (2) ang destiny number mo ay baka ang kasalukuyan mong asawa ang “first” o una pa lang na pag-ibig na dumating sa puso mo simula nang ikaw ay magdalaga, kaya ang posibleng mangyari, puwedeng makapag-asawa o ma-in love kang muli.

5. Pero tulad ng naipaliwanag na, kung siya ang ikalawa na naging boyfriend mong seryoso at totohanan, tiyak ang magaganap, hindi na kayo magkakahiwalay at may pangako ng isang maunlad at maligayang pagsasama habambuhay na kinumpirma at pinatunayan ng maganda, malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) at maayos at maganda ring Heart Line (Drawing A,. at B. h-h arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda ng wagas, pinagpala at maraming mga biyaya na pag-aasawa na hahantong sa panghabambuhay at maligayang pagpapamilya.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Juliet, kung pangalawang seryosong boyfriend mo ang iyong asawa sa kasalukuyan, walang dapat ipangamba at wala ring duda, siya na nga ang lalaking nakatakda mong makasama sa maunlad at maligayang pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page