Search
  • BULGAR

Makakabenta ng maraming house and lot kung may kapartner

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| June 23, 2020



Dear Maestro,

Bago mag-lockdown, nag-aahente ako ng lupa at house and lot. Isang beses na akong nakabenta, pero matagal na ‘yun kaya halos naubos na ang komisyon na nakuha ko. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang ipabasa ang birthday kong May 14, 1987. Susuwertehin ba ako sa pag-aahente kapag naging normal na ulit ang buhay natin? Noon, madalas akong tumaya sa lotto, kaya sa palagay n’yo, tatama na ba ako ng malaki-laking halaga? Kailan ang pinakamagandang araw, petsa, buwan at taon para tumaya at maka-jackpot sa lotto?

Umaasa,

Aira ng San Jose, San Luis, Pampanga

Dear Aira,

Ayon sa birth date mong 14 o 5 (1+4=5) at destiny number 8 (5+14+1987=2006/ 20+06=26/ 2+6=8), para mas madali kang makabenta ng lupa, kailangang may ka-partner ka o laging kasama na isinilang sa petsang 8, 17 at 26, 1, 10, 19, 28 at puwede rin silang may bitbit na numerong 5, 14, at 23.

Sa combined force n’yo o sa inyong pagtutulungan ng mga taong may birth date na 8, 17, 26, 1, 19, 28, 5, 14 at 23, mas marami kayong mabebentang lupa at bahay, higit lalo kung ang nasabing kapareha ay isinilang sa zodiac sign na Capricorn, Taurus, Libra, Scorpio o Virgo, gayundin, makaka-komsiyon kayo ng napakalaking halaga.

Samantala, bukod sa sarili mong numero na 14, mapalad ka rin sa lahat ng numerong may sumatotal na 5, ganundin sa numerong 8 at 4, tulad ng 17, 26, 35, 44, 13, 22, 31, 40 at iba pang kauri nito. Puwede mo ring subukan ang 2, 15, 23, 28, 34, at 41, gayundin ang 4, 14, 22, 27, 38 at 40.

Bukod sa nasabing mga numero, mapalad ka rin sa mga buwan ng Abril, Mayo, Setyembre, Oktubre at Nobyembre, higit lalo sa mga petsang 8, 17, 26, 4, 13, 22, 31, 9, 18 at 27, lalo na kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Sabado, Miyerkules at Huwebes.

Upang masigurado ang malaking panalo, maghanap ka ng lotto outlet na malapit sa tindahan ng mga alahas o tindahan ng pabango, gayundin sa tindahan ng mga damit. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng jackpot.

Habang, ayon sa iyong Decadens ng Kapalaran, sa 2021 hanggang 2022, sa edad mong 34 pataas ay magsisimula nang bumuti ang lagay ng iyong kapalaran, aangat nang kusa ang kabuhayan, maraming lupa at house and lot ang maibebenta hanggang sa tuluy-tuloy ka nang umsenso at yumaman.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.