top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Makaka-gradweyt sa kursong Accountancy at makakatuluyan ang bf

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| February 14, 2022



Dear Maestro,


Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung compatible kami ng boyfriend ko na isinilang noong February 2, 2002 at October 7, 2003 naman ako.


Itatanong ko na rin kung makakatapos ba ako ng pag-aaral? Sa ngayon, kumukuha ako ng kursong Accountancy.


Bagay ba sa akin ang kursong ito at magtatagumpay ba ako sa napili kong larangan?



Umaasa,

Tereis ng San Jose, Baras, Rizal

Dear Tereis,


Bagay na bagay sa iyo ang kursong Accountancy at iba pang course na may kaugnayan sa pagtutuos ng salapi, ganundin ang kurso na may kaugnayan sa pagbabangko at komersiyo. Dahil dito, mas maganda kung matapos mong maka-graduate ay kukuha ka agad ng CPA board exam, dahil ang birth date mong October 7 ay nagsasabing, tiyak na makakapasa ka sa kahit ano’ng mahirap na pagsusulit. Gayundin, walang duda na balang-araw, ikaw ay tiyak na magiging propesyonal sa napili mong larangan. Dagdag pa rito, sobrang laki rin ng tsansa na ikaw ay makapag-abroad at makapagtrabaho sa malalayong lugar.


Samantala, ang birth date mong 7 ay nagsasabing sa pagnenegosyo at iba pang bagay na may kaugnayan sa propesyon at career, kailangang palagi kang may katulong o kasangga na strong number, tulad ng 8, 17, 26, 9, 18, 27, 1, 10, 19 at 28. Puwede rin ang mga taong may birth date o destiny number na 5, 14 at 23. Ang nasabing mga nilalang, higit lalo kung under sila sa zodiac sign na Gemini, Aquarius, Aries at kapwa mo Libra, ay may malaking maitutulong sa iyong pag-unlad at pagtatagumpay.


Hinggil naman sa boyfriend mo na may birth date na 2 sa zodiac sign na Aquarius, tunay ngang compatible kayo. Sapagkat gaya ng naipaliwanag, ang Aquarius at Libra ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong air o hangin, habang ang birth date na 2 at 7 ay sadya namang compatible sa isa’t isa, na kadalasang nagkakatuluyan at nakabubuo ng masaya at panghabambuhay na relasyon.


Ibig sabihin, humigit-kumulang sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, kapag nakapagtapos ka sa kolehiyo at may matatag nang trabaho gayundin ang boyfriend mo, puwede na kayong mag-asawa at magpakasal, upang tuluyang mabuo at matiyak ang maunlad, maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page