top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Makabagong teknolohiya para sa pagsasaka

BULGAR
Jul 22, 2022
1 min read

@Editorial | July 22, 2022


Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) ang pagsasabuhay ng ‘Masagana 150’ program na unang ikinasa ng administrasyon ng yumaong ama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.


Nakadisenyo ang programa para mapataas ang produksyon ng bigas sa pamamagitan ng pagpapautang sa mga magsasaka ng mga binhi na makapagbibigay ng mas masaganang ani.


Kaugnay nito, gagamit umano ng makabagong teknolohiya sa nabanggit na programa.

Sa pamamagitan ng programa ay inaasahang maibababa ang presyo ng bigas kasabay ng pagpapaunlad sa kabuhayan ng mga magsasaka.


Sa ngayon pinangangasiwaan ni Pangulong Marcos ang DA sa layong maresolba ang lahat ng isyu sa kagawaran.


Umaasa tayong sakaling buhayin ang ‘Masagana 150’, ito na ang muling magpapasigla sa pagsasaka na magiging malaking tulong sa ating pagbangon mula sa pandemya.


Kailangang magtulungan ang gobyerno, pribadong sektor at mamamayan sa lahat ng magagandang programa na layong mas mapaunlad ang bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page