Search
  • BULGAR

Major League Baseball sa U.S. paiigsiin ang torneo

ni Anthony Servinio - @Sports | June 25, 2020




Magbabalik na ang Major League Baseball sa Estados Unidos ngayong Hulyo 23 at 24. Inihayag ni Commissioner Rob Manfred na nagkasundo na ang liga at ang Major League Baseball Players Association (MLBPA) na unyon ng mga manlalaro para sa pinaigsing torneo na may 60 laro ang bawat isa ang 30 koponan na tatakbo hanggang Setyembre 27.


Sumang-ayon na ang MLBPA sa mga inihandang protocol para sa kaligtasan at kulusugan ng lahat. Maaari na magbukas ng ensayo ang mga koponan simula Hulyo 1.


Kasama sa mga ipatutupad ay physical distancing sa mga hindi naglalaro at ang bola na nahawakan ng marami ay papalitan agad. Bawal din ang dumura, ang ngumuya ng tabako at buto at ang pagdila ng daliri lalo na sa mga pitcher.


Ayon sa panukala, maglalaro pa rin sa kanilang mga tahanan ang lahat subalit limitado ang karamihan ng laro sa loob ng kanilang Division upang mabawasan ang paglakbay.


Nasa lokal na pamahalaan ang huling pasya kung papayagan nila na manood ang publiko dahil hindi pareho ang mga polisiya ng mga lungsod at estado na may koponan.

Magbabago din ang paraan ng playoff para sa World Series. Imbes na 10 koponan, 16 ang tutuloy ngayon kaya mas mahaba ito upang makabawi sa maigsi at minadaling regular season.


Karaniwan ay 162 beses naglalaro ang isang koponan sa isang taon. Dahil sa mga suliranin sa paggawa, tinigil sa kalagitnaan ang 1994 season at hindi nilaro ang World Series at ito ay tumagal hanggang bumalik ang aksyon sa sumunod na taon ngunit 144 na laro lang ang tinakda.


Noong nakaraang taon, nagwagi ang Washington Nationals ng kanilang unang World Series. Tinalo nila ang Houston Astros sa pitong mahigpitang laro, 4-3.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.