Mahirap na nga raw ang buhay, may bayad pa… BAGONG DIGITAL SERIES NG KATHNIEL, PINALAGAN
- BULGAR

- Oct 6, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | October 6, 2020

Pinahuhulaan ni Ruffa Gutierrez ang role nila ni Herbert Bautista sa digital movie na The House Arrest of Us na bida sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Dahil sa mga litrato, makikitang laging magkasama sina Ruffa at Herbert, may humulang mag-asawa ang role nila at sila ang parents ni Kathryn.
Hindi na nga lang sinagot ni Ruffa ang nag-comment na parents sila rito ni Kathryn at ang sabi, panoorin na lang simula sa October 24, 2020.
Digital movie series ang The House Arrest Us at para makapanood, kailangang magbayad ng subscription fee sa KTX.ph na kundi kami nagkakamali ay P499. Pero, ang maagang magpapa-subscribe ay may discount.
Hindi lang maiwasan na may mga comments na bakit kailangang magbayad pa, eh, mahirap daw ang buhay ngayon?
Ang request ng mga fans, pakinggan sila ng Star Cinema at babaan ang subscription rate dahil gustung-gusto nilang mapanood ang digital movie ng KathNiel.
Anyway, reunion nina Ruffa at Herbert ang The House Arrest Us at sabi ng aktres, “I worked with him on my second movie, Takbo, Bilis, Takbooo in 1987 and a string of projects after. Super happy to be reunited with Bistek @herbertbautista.”
Dagdag ng aktres, “Blessed to be working with these amazing actors who I’m able to bond with for.”
Sa Talisay, Batangas pala ang ibang location ng lock-in shoot ng The House Arrest of Us na nabanggit ni Ruffa na maganda kaya kailangang panoorin.





Comments