top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mahina ang puwersang militar ng ‘Pinas kasi daming korup sa politicians

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 28, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Marso 28, 2024


KURAKUTAN SA GOV’T. STOP MUNA NG 4 DAYS, BALIK ULI KURAKUTAN AFTER SEMANA SANTA – Ngayon ay Huwebes Santo na at bukas ay Biyernes Santo, then sunod ang Sabado de Gloria at Linggo ng Pagkabuhay, kaya asahang sa apat na araw na ‘yan ay stop muna ang ‘korupsiyon’ sa gobyerno.


Opps, hindi ibig sabihin na kaya stop muna ng apat na araw ang korupsiyon ay dahil nag-aayuno ang mga kurakot, kundi kaya stop muna ang kurakutan sa kaban ng bayan ay dahil walang transaksyon sa gobyerno ng Huwebes Santo at Biyernes Santo, at wala rin pasok sa Sabado de Gloria at Linggo ng Pagkabuhay.


Ang nais nating ipunto rito ay pagkatapos ng Semana Santa o pagsapit ng Lunes, April 1, 2024 dahil may pasok na, may transaksyon na sa gobyerno at balik na naman sa kurakutan ang mga tiwali sa pamahalaan, boom!


◘◘◘


SINASAMANTALA NG MGA SMUGGLER MAGPUSLIT NG SMUGGLED PRODUCTS KAPAG PANAHON NG SEMANA SANTA -- Sa panahon ng Semana Santa, lalo na sa araw ng Huwebes Santo at Biyernes Santo ay sinasamantala ng mga smuggler na sina "Lea," "Tina U," "Big Mama" at "Kimberly Gang" ang magpuslit ng mga smuggled products sa Customs.


Dapat ang gawin ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na kahit panahon ng Semana Santa ay magtalaga siya ng mga Customs law enforcers na magbabantay sa mga pantalan para hindi nagagawa ng mga smuggler ang makapagpuslit ng mga smuggled products sa bansa sa panahon ng Holy Week, period!

◘◘◘


INTELLIGENCE NETWORK NG DAVAO CITY POLICE MAHINA, KASI NASA DAVAO CITY LANG SI QUIBOLOY PERO ‘DI MAHAGILAP PARA ARESTUHIN -- Matapos magpalabas ng arrest order sina Senate President Migz Zubiri at Speaker Martin Romualdez laban kay Pastor Apollo Quiboloy at sabihin ng abogado ng pastor na hindi naman nagtatago dahil nasa Davao City lang daw ang kanyang kliyente (Quiboloy), ay nagpalabas ng statement ang Davao City Police Station na hindi raw nila alam kung nasaan si Pastor Quiboloy kaya hindi nila ito magawang arestuhin.


Tila yata napakahina ng intelligence network ng Davao City police, kaya hindi nila magawang dakpin ang pastor na ayon sa kanyang abogado ay nasa Davao City lang daw ito, boom!


◘◘◘

DAMING PORK BARREL POLITICIANS, KAYA MAHINA ANG PUWERSANG MILITAR NG ‘PINAS -- Bukod sa West Philippine Sea (WPS) na inaangkin ng China, ay kabilang din ang ilang bahagi ng dagat at isla ng Vietnam at Taiwan na inaangkin din ng China, pero hindi magawang i-bully ng China Coast Guard ang coast guard ng dalawang bansang ito dahil alam ng China gov’t. na may kalakasan ang puwersa ng dalawang bansang ito, na sa world military ranking ay rank 22 ang Vietnam at rank 24 ang Taiwan, kumpara sa Pilipinas na nasa malayong ranking na rank 34.


‘Yan ang dahilan kung kaya ang Pilipinas lang ang kinakayan-kayanang i-bully ng China, kasi nga mahina ang puwersang militar ng bansa.



Isa lang naman ang rason na mahina ang puwersang militar ng ‘Pinas kasi ang daming ‘korup’ na pork barrel politicians, na imbes lakihan ang pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), eh ang nilalakihan ay ang kanilang mga pork barrel funds, buset!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page