top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mahabang kuwentuhan, pahiwatig na matatagalan ang pagpapakasal

BULGAR
Apr 24, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 24, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rowena ng Taguig City.


Dear Maestra,


Napakaganda ng inyong kolum dahil naliliwanagan kami sa pahiwatig ng aming mga panaginip at nakakapulot pa ng aral at payo mula sa inyo. Isa ako sa malimit na magpaanalisa sa inyo at nais ko muling ikonsulta ang aking panaginip. May balak na kasi akong magpakasal, may kaugnayan ba ang panaginip ko rito?


Napanaginipan ko na binisita ko ang aking kaibigan na na-confine sa hospital, pero hindi naman grabe ang sakit niya. Nagkuwentuhan kami nang matagal at nang makaramdam ako ng gutom, agad akong nagpaalam.


Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Rowena



Sa iyo, Rowena,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa ospital upang bisitahin ang kaibigan mong may sakit ay magtatagumpay ka sa iyong negosyo. Kikita ka ng malaki at higit pa sa inaasahan mo ang iyong kita.


Samantala, ang ibig ipahiwatig ng nagutom ka sa haba ng kuwentuhan n’yo ay makakamit mo ang tagumpay at kaunlaran sa buhay dahil sa sarili mong pagsisikap at pagiging matiyaga sa lahat ng bagay. Rerespetuhin ka sa inyong lugar at mapapabilang sa hanay ng mayayaman.


Kung nagbabalak kang magpakasal, matatagalan pa ito sa dahilang ang pahiwatig ng matagal kang nakipagkuwentuhan ay maglalakbay muna ang mapapangasawa mo sa malayong lugar bago bumalik at tuluyang magpakasal sa iyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page