top of page
Search
  • BULGAR

Magulong buhok, babala na may ibang labs ang dyowa

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 15, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lolit ng Bulacan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na bumili ako ng bagong sombrero. Pagdating sa bahay, tiningnan ko sa salamin kung bagay ito sa akin, pero sinuklay ko muna ang aking buhok dahil magulo ito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lolit


Sa iyo, Lolit,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na bumili ka ng bagong sombrero ay makakamit mo na ang pinakamimithi mo sa buhay. Tagumpay sa negosyo rin ang ipinahihiwatig nito, kung saan uunlad ang negosyo mo at tuloy-tuloy na ang iyong pagyaman.


Samantala, tungkol naman sa buhok mo na magulo, kaya sinuklay mo bago isuot ang sombrero, ito ay nangangahulugang hindi tapat sa iyo ang karelasyon mo dahil may iba siyang minamahal.


Ito rin ay nagpapahiwatig na mapapaaway ka dahil sa sobrang kadaldalan. Iwasan mong dumaldal nang dumaldal kapag kaharap ang iyong kapamilya dahil hindi nila ito magugustuhan at maaari ring pagmulan ito ng gulo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page