Magulo na pakikipagrelasyon, resulta ng naghahatakang zodiac sign na Cancer at Leo
- BULGAR

- Oct 6, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| October 6, 2020
Dear Maestro,
Totoo pala ‘yung sinasabi n’yong kapag “dos” (2) ang birth date ay mahina ang loob. Isinilang kasi ako noong July 20, 1989 at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagiging seryosong girlfriend. Hindi ko alam kung bakit ganito ang love life ko, madalang ang dating ng babae sa aking buhay. Bukod kasi sa mahina ang loob ko, mahiyain din ako, kaya umabot ako sa ganitong edad na wala pa ring girlfriend, samantalang, ‘yung mga kaibigan ko ay may kani-kanya nang kasintahan.
Naisipan kong kumonsulta sa inyo, Maestro, upang malaman kung kailan ako magkakaroon ng seryoso at totohanang girlfriend dahil sa edad kong 31 ay gusto ko na ring mag-asawa dahil may stable job naman ako sa isang call center.
Umaasa,
Marvin Magdalo, Famy, Laguna
Dear Marvin,
Sadyang magulo at matumal ang dating sa iyong buhay ng seryoso at totohanang pakikipagrelasyon dahil ang birthday mong July 20 ay nasa pagitan ng zodiac sign na Cancer at Leo.
Kaya bukod sa mahina ang loob mo dahil sa iyong birth date na 2 o 20 (ang 20 ay 2+0=2) at mahiyain ka, magulo rin minsan ang iyong isipan, emosyon at pagkatao dahil sa paghahatakan ng dalawang zodiac sign sa iyong pagkatao. Unconsciously, hindi mo matiyak kung ikaw ay mas naiimpluwensiyahan ng Cancer o mas naiimpluwensiyahan ng Leo.
Gayunman, upang mas madali nating matiyak kung anong zodiac sign ang mas nakaiimpluwensiya sa iyo, subukan mong tingnan o silipin ang lalagyan ng iyong mga damit. Bilangin mo ano ang mas maraming kulay. Halimbawa, mas marami bang dilaw o berde?
Kung mas marami ang dilaw na damit, ipapalagay nating ikaw ay tunay at purong Leo, pero kung mas marami ang berde, titiyakin nating higit na nanaig sa pagkatao mo ang pagiging Cancer. Kailangan nating malaman ang nabanggit na pagsusuri upang mabatid kung sinu-sino ang mga babaeng ka-compatible mo na dapat ligawan.
Samantala, kung higit na nanaig sa iyong pagkatao at kapalaran ang pagigng Leo, ka-compatible mo silang isinilang sa zodiac sign na Aries, Sagittarius at kapwa mo Leo, higit lalo silang mga isinilang sa petsang 8, 17, 26, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31.
Habang kung higit na nanaig sa iyong pagkatao at kapalaran ay zodiac sign na Cancer, ka-compatible mo naman silang mga isinilang sa zodiac sign na Scorpio, Pisces at kapwa mo Cancer, ganundin ang Virgo, higit lalo silang mga isinilang sa petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29.
Gayunman, anuman ang mangyari, basta lagi kang magsuot ng berde at dilaw sa panahong ito na ang edad mo ay 31, tiyak ang magaganap. Hindi matatapos ang 2020 o bago sumapit ang Pasko, magkaka-girlfriend ka na, hatid ng babaeng isinilang sa buwan ng Marso at ang nasabing relasyon ay magiging seryoso at pangmatagalan na, hanggang sa tuluyan na kayong makabuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya.




Comments