top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Magtulungan para sa mabilis na pagbangon ng turismo

BULGAR
Sep 29, 2022
1 min read

@Editorial | September 29, 2022


Sa selebrasyon ng World Tourism Day 2022 na may temang “Rethinking Tourism”, tiwala ang ating gobyerno na muling babalik ang sigla ng turismo ng bansa matapos ang naranasang COVID-19 pandemic na sinabayan pa ng mga bagyo.


Positibo tayong makakabawi sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat isa sa kabila ng pandemya at iba’t ibang kalamidad na tumama sa bansa.


At hindi lamang ang mga opisyal ng pamahalaan ang dapat na maging ambassador ng Philippine Tourism na magrerepresenta ng Pilipinas sa mundo kundi ang bawat Pinoy.


Batid naman natin na ang World Tourism Day ay pagdiriwang bilang pagkilala sa turismo na isang mahalagang haligi para sa pag-unlad.


Sa tema ngayong taon, layon nitong magbigay ng inspirasyon sa muling pag-iisip para sa pag-unlad ng turismo, kabilang ang sa pamamagitan ng edukasyon at mga trabaho, at ang epekto ng turismo sa planeta at mga pagkakataong magpapatuloy ang paglago nito.


Kung lahat ay magtutulungan, mabilis na makakabangon ang ating turismo. Mas uunlad ang pamayanan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page