top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Magtatagumpay ang war on drugs kung totoong palaban ang gobyerno

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6, 2023
  • 1 min read

@Editorial | May 6, 2023


Marami nang isyu at kontrobersiya ang lumabas, natapos at nakalimutan, pero ang usapin sa ilegal na droga ay narito pa rin.


Bakit patuloy ang pagkalat ng ilegal ng gamot? Sino ang mga nasa likod nito? Paano sila nakakalusot sa batas?


Mismong si President Bongbong Marcos ay nagsabi na may pang-aabuso sa anti-drug war campaign sa administrasyon ni dating Pangulong Digong Duterte.


Ayon sa Pangulo, tumutok kasi sa law enforcement noon ang drug war.


Gayunman, paglilinaw ni P-BBM, wala siya sa posisyon na magbigay ng assessment sa naging operasyon ng nakaraang administrasyon.


Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na lalong lumakas ang mga sindikato ng droga, yumaman at naging mas maimpluwensya pa ang mga drug personalities.


Matatandaan na una nang sinabi ng kasalukuyang administrasyon na iba ang kanilang giyera laban sa droga, bagay na napapansin naman ng publiko.


Halos wala nang balita na nahuhuling napapatay dahil nanlaban. Gayunman, wala pa ring napaparusahang drug lord at narco-politicians.


Kung may ilang police officials man na sinibak dahil sa pagkakasangkot sa droga, mukhang hindi pa rin sapat ang aksyon sa dami ng nalululong sa drugs.


Ang kailangan talaga sa war on drugs ay kamay na bakal at gobyernong totoong palaban at kayang banggain ang lahat ng sangkot sa droga, kahit sino pa sila.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page