top of page
Liza Soberano - IG.jpg

El Niño: Huwag hintaying matuyo ang lahat bago kumilos

Writer: BULGAR
BULGAR
9 minutes ago
1 min read

by Info @Editorial | November 11, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi na simpleng usapin ng matinding init ang El Niño. Kapag natuyo ang mga sakahan, bumaba ang ani at kinapos ang suplay ng tubig, kabuhayan at pagkain ng milyun-milyong Pilipino ang nakataya.


Kaugnay nito, nanawagan ang 20 senador kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magdeklara ng state of calamity sa mga lugar na apektado at nanganganib sa matinding tagtuyot. 


Batay sa kanilang resolusyon, umabot na sa P6.87 bilyon ang pinsala sa agrikultura, habang 106 na lungsod at munisipalidad ang nagdeklara na ng lokal na state of calamity.


Hindi biro ang ganitong pinsala. Bawat ektaryang nasisira ay katumbas ng nawawalang kita ng magsasaka, posibleng pagtaas ng presyo ng pagkain at dagdag na pasanin sa mga pamilyang hirap nang pagkasyahin ang kanilang budget.


Ngunit hindi rin sapat ang deklarasyon lamang. Kailangang tiyaking mabilis na makararating ang ayuda, patubig, binhi at iba pang suporta sa mga magsasaka at mangingisdang nangangailangan. Dapat ding malinaw kung saan manggagaling ang pondo at paano ito gagastusin.


Hindi na dapat hintaying tuluyang matuyo ang mga bukirin bago maramdaman ng mga magsasaka ang aksyon ng gobyerno.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page