top of page

Magpinsang sabungero, aasenso sa pag-aalaga ng manok na panabong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 30, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | October 30, 2023


Dear Maestro,


Matagal na akong nagsasabong. Umuwi rito sa 'Pinas 'yung pinsan kong galing sa Saudi, at nais niya umano akong pahiramin ng pera pangpuhunan para makapag-alaga kami ng manok na panabong. Susuwertehin kaya kami sa pag-aalaga ng manok, at yayaman kaya kami rito ng pinsan ko? December 18, 1985 ang birthday ng pinsan ko habang ako naman ay April 3, 1988.


Umaasa,

Jack ng Bukal, Lemery, Batangas


Dear Jack,


Tama ka, suwerte ka nga sa pag-aalaga ng mga manok na panabong at iba pang pet animals, puwede rin sa iyo ang kalapati, daga, at iba pang klase ng ibon o mga hayop na may pakpak. Sa ganyang gawain, hindi lang sinusuwerte ang mga Aries at Sagittarius, na nagkataong ang zodiac sign ng pinsan mo na magpapahiram sa iyo ng puhunan ay isang Sagittarius.


Para sa mga Aries at Sagittarius, hindi puwedeng walang hayop o pet sa loob ng inyong bahay o bakuran, dahil unconsciously hindi nila namamalayan, 'yun talaga ang nagsisilbi nilang anting-anting o agimat sa buhay, kaya sila patuloy na sumisigla, lumalakas, sinusuwerte at nagkakaroon ng masagana at magandang kapalaran.


Kaya nga, Jack, ayon sa Decadens ng iyong Kapalaran, magandang magsimula ng nasabing negosyo na may kaugnayan sa pag-aalaga ng manok na panabong, lalo na ng mga “manok na pula” ngayong taon hanggang sa susunod na taon.


Kung sa taong 2024 mo uumpisahan ang nasabing negosyo, sa saktong buwan ng Abril sa petsang 5. Kung ngayong taon mo naman uumpisahan ang nasabing negosyo, maganda kung sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre.


Sa ganyang paraan, tiyak ang magaganap, makalipas ang isang taon, dadami na ang inyong manok hanggang sa umunlad at umasenso na rin ang inyong negosyo, na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2032 sa edad mong 44 pataas at 47 naman ang pinsan mo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page