top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Magpa-Pasko na, mga pasaway sa pandemya, magbago na kayo!

BULGAR
Aug 31, 2021
1 min read

@Editorial | August 31, 2021


Naitala kahapon ang pinakamataas bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa kasaysayan ng Pilipinas, sa bilang na 22,366.


May 222 namang naitalang dagdag sa mga nasawi habang 16,864 ang mga gumaling mula sa virus.


Sa ganitong sitwasyon, talagang kailangan nating mas maging maingat at disiplinado.

Kapansin-pansing marami na naman kasing pasaway. Kahit nagpapatupad na ng lockdown, nagagawa pa ring pumuslit.


Nagkalat na naman ang mga tambay sa kalsada, pati mga bata pakalat-kalat at walang facemask. May mga nagagawa pang mag-inuman session sa bahay at party-party sa bar. Tapos magtataka kung bakit dumarami ang nagkaka-COVID. Pati mga inosente at nananahimik sa bahay, nadadamay dahil sa banta ng virus na posibleng maiuwi mula sa inyong kapabayaan.


Sa palagay natin, saan kaya papunta ang labang ito? Lockdown forever na lang ba? Matira matibay? Bahala na kung tatamaan o hindi?


Maawa tayo sa mga frontliners na araw-araw na nagbubuwis ng buhay.


Nasasaksihan naman na natin kung paano umaaray ang mga health workers na sa kabila ng kanilang paglalabas ng hinaing ay nangangako pa ring hindi pababayaan ang mga pasyente.

Samantalang ang iba, ang problema lang ay kung paano makakalabas ng bahay, makakagimik at makakauwi nang hindi mahuhuli.


Ang pandemya ay laban nating lahat at hindi lang ng iilan. Hindi ito kakayanin ng mga health workers at mga nasa gobyerno lang.


Kung tutuusin, simple lang naman ang hinihinging ambag ng sitwasyon sa atin, ang sumunod sa mga health protocols, ‘yun lang. Isang tulog na lang, ‘ber months’ na, hangarin natin ang mas masaya at ligtas na Kapaskuhan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page