top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Magnet, babala ng malaking gulo at karibal sa labs at negosyo

BULGAR
Jun 1, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 1, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni George ng Zambales.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa isang museum, tapos nakakita ako ng magnet at sinubukan ko itong gamitin. Ayos naman at dumikit ito nang mabuti, tapos mayroon din akong nakitang mapa ng iba’t ibang bansa.


Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

George



Sa iyo, George,


Ang magnet na nakita mo sa iyong panaginip ay nangangahulugan na masasangkot ka sa malaking gulo kung hindi ka mag-iingat. Ang sabi mo ay sinubukan mo itong gamitin, ito ay nagpapahiwatig na magkakaroon ka ng mahigpit na karibal sa puso ng iyong minamahal. At pati sa negosyo mo ay magkakaroon ka rin ng mahigpit na kakumpitensiya.


Samantala, ang mapa naman iba’t ibang bansa ay nangangahulugang maglalakbay ka sa iba’t ibang bansa at doon magtatrabaho sa loob ng maraming taon. Kung colored ‘yung mapa na nakita mo sa iyong panaginip, nagpapahiwatig ito na magbabalik ka sa sarili mong bansa nang mayamang-mayaman at tagumpay sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page