Maging responsable kontra-sunog
- BULGAR

- 16 hours ago
- 1 min read
by Info @Editorial | February 13, 2026

Halos sunud-sunod na naman ang sunog hindi dahil sa malas, kundi dahil sa kapabayaan.
Nakalimutang kandila, sobrang saksak sa extension cord, o iniwang nakabukas na kalan—mga simpleng pagkakamali na maaaring magdulot ng malaking trahedya.
Hindi dapat lagi tayong umasa sa mga bumbero.
Bawat isa ay may responsibilidad na tiyaking ligtas ang sariling bahay at komunidad.
Siguraduhing maayos ang mga kable ng kuryente, huwag gumamit ng sirang appliances, at patayin ang mga maaaring pagmulan ng apoy bago umalis o matulog.
Kung may fire extinguisher, alamin kung paano ito gamitin.
Ang pag-iingat ay hindi mahirap gawin, pero malaki ang epekto. Isang saglit na pagiging pabaya ay puwedeng magbuwis ng buhay at sumira ng tahanan.
Kaya maging alerto, maging disiplinado, at makiisa sa mga programang pangkaligtasan.
Ang sunog ay maiiwasan kung tayo ay responsable. Nasa ating mga kamay ang kaligtasan ng ating pamilya at komunidad.






Comments