Maging maingat at alerto kontra-sunog
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
by Info @Editorial | November 4, 2025

Habang papalapit ang Pasko, sunud-sunod naman ang sunog sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Imbes na kasiyahan, takot at kawalan ang nararanasan ng maraming pamilya.
Kadalasan, sanhi ng sunog ang mga sirang kable, kandilang napabayaan, o sobrang daming nakasaksak sa kuryente.
Nakakaawa ang mga pamilyang nawawalan ng tirahan lalo na ng mahal sa buhay. Nito lang, magkapatid na edad isa at dalawa ang nasawi sa sunog. May isa ring namatay sa isang planta.
Sa panahong dapat ay pag-asa at kabutihan ang nangingibabaw, nawawalan naman ng pangarap ang ilan.Panahon nang maging mas responsable tayong lahat — mula sa mga mamamayan hanggang sa mga opisyal. Ang kaligtasan ay hindi dapat nakakalimutan kahit abala.
Kung may sapat na fire safety campaign at regular na pag-iinspeksyon, kahit paano ay maiiwasan ang ganitong pangyayari.





Comments