Magdyowa, kulong sa P3.5M droga
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | August 15, 2026

Photo: File
Dakip ang isang magdyowa matapos makumpiskahan ng nasa 525 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng tinatayang P3.57 milyon sa buy-bust operation ng Manila Police District-Drug Enforcement Unit sa Sampaloc, Maynila.
Kinilala ang mga suspek na sina Guillermo Manguerra, 68, at Arlene Lorenzo, 53.
Ayon kay PMaj. Gil John Lobaton, sa kabila ng hindi kabilang sa listahan ng mga itinuturing na High-Value Individual (HVI) ang mga suspek, nakatanggap ang MPD-DEU ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal na aktibidad ng dalawa.





Comments