Magdasal ka na, sister (41)
- BULGAR
- Dec 13, 2023
- 2 min read
ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | December 13, 2023

Ang rason kaya criminology ang kinuhang kurso ni David ay dahil nais niyang mahuli ang mga kriminal na pumatay sa kanilang magulang.
May kumalat na video noon, kaya nakita niya ang mukha ng mga kriminal. Ngunit, kahit nakita niya ang mga ito at nagawa niyang patayin, parang hindi pa rin ito sapat para sa kanya.
Kapag nakakakita siya ng mga madre, nakakaramdam siya ng panggigigil. ‘Di niya alam kung paano siya nakatagal sa pagpapanggap bilang madre, marahil dahil sa pagmamahal niya kay Maritoni.
Hindi niya napigilang umiyak kapag naaalala niyang masaya na ito sa piling ng iba. Buong akala pa naman niya, sila na ang magsasama habambuhay.
“Hindi siya puwedeng ikulong sa mga tunay na kriminal hanggang hindi siya magaling,” wika ni Mark.
“Galit siya sa akin,” malungkot na sagot ni Maritoni.
“Hindi mo naman kasalanan kung ako ang mahal mo.”
Marahan na tumango si Maritoni. Mahalaga sa kanya si David dahil ito ang kasama niya mula pagkabata, pero hindi niya kayang ibigay dito ang pag-ibig na nararamdaman niya para kay Mark.
“Sana makatagpo rin siya ng babaeng mamahalin niya habambuhay.” Sambit ni Maritoni.
Marahang tawa ang pinawalan ni Mark at sabay sabing, “hayaan mo muna siyang gumaling at pagsisihan ang ginawa niya. Halika na nga.”
“Saan ba tayo pupunta?” Tanong niya sa binata.
Bahagya lang siya nitong sinulyapan at sabay sabing “sa city hall, saan pa ba?”
“Ano’ng gagawin natin du’n?” Pagtataka ng dalaga.
“Magpapakasal, hindi ko hahayaang mangyari pa ang sinabi ni David na magkakahiwalay din tayo. Para makontra iyon, ngayon palang magpakasal na tayo.” Wika ni David.
Nanlaki ang mga mata ni Maritoni nang makita niyang nasa harap na sila ng city hall.
“Will you marry me?” Tanong ng binata sa kanya.
“Sa wakas magiging Mrs. Ferrer na ako!” Excited niyang sabi sabay sigaw ng, “YES!”
Pagkaraan ay inangkin muna nila ang labi ng isa’t isa, pero sandali lang ito dahil mas gusto nilang maging legal na ang kanilang pagmamahalan para hindi na sila magkahiwalay pa.
Wakas…








Comments