Gayuma (24)
- BULGAR
- Jan 15, 2024
- 1 min read
Updated: Jan 16, 2024
ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | January 15, 2024

“Makukuha ko rin ang gusto ko,” nakangising sabi ni Baninay habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Sa ngayon, gagamitin muna niya ang katawan ni Princess para kamuhian ng publiko ang tunay na Princess. Sa mata ng nakararami, siya si Princess, at dahil hindi na makikita ng publiko na magkasama sila ni Gabriel, kailangan niyang magpaawa sa lahat.
Hindi man niya makuha ang pag-ibig ni Gabriel sa ngayon, nasa kanya naman ang simpatiya ng publiko. Tiyak pa niyang iba-bash nang iba-bash ang tunay na Princess.
“Ngunit, maaapektuhan kaya sila?” Dudang tanong niya sa kanyang sarili.
Sa ilang taon ni Princess sa showbiz industry, alam niyang gamay na ng dalaga kung paano dedmahin ang mga bashers.
“Kung hindi na talaga ‘ko mahal ni Gabriel, matatanggap ko naman, eh. Kaso makapangyarihan ang babaeng ipinalit niya sa akin,” wika niya sabay hagulgol.
Kailangan niyang magmukhang kaawa-awa sa paningin ng lahat.
“Ibig bang sabihin ay mayaman at maimpluwensyang babae ang bago ni Gabriel?” Interesadong tanong ng isang sikat na showbiz reporter.
Iyon nga lang ay hindi niya alam ang pangalan nito, pero tiyak niyang ito ang tinatawag na Ateng.
“Hindi, may alam siya sa black magic. Ginayuma niya lang ang boyfriend ko,” wika niya sabay hagulgol.
Muli ay mistulang nagkaroon ng madaming bubuyog sa paligid. Panay ang bulungan, kaya naman para may mapatunayan siya, ipinakita niya sa projector ang hitsura ni Baninay.
“Siya po ang kinalolokohan ng nobyo ko ngayon. Sige nga, sabihin n'yo sa akin na maiinlab ba si Gabriel sa babaeng ‘yan?
“Siya ang babae?” Hindi makapaniwalang tanong ng mga ito.
“Ay, ang pangit!” Pagdaragdag pa ng mga ito.
Itutuloy…








Comments