top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Magandang career at love life, sabay na darating sa binatang may weak number

  • BULGAR
  • Sep 5, 2022
  • 3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| September 5, 2022


Dear Maestro,


Kumonsulta ako sa inyo sa dahilang 29-anyos na ako, pero hanggang ngayon ay parang wala pa ring nangyayari sa buhay ko. Nakatapos ako ng kolehiyo, pero wala naman akong permanente o regular na trabaho, gayundin, wala akong girlfriend. Masipag naman akong mag-apply, pero hindi ako natatanggap at masipag din akong manligaw, pero palaging kabiguan ang napapala ko sa mga babaeng nililigawan ko.


Ano ang aking suwerteng araw, buwan, kulay at taon at sino-sino ang mga ka-compatible kong babae upang hindi na ako mabigo sa pag-ibig? Nais ko ring malaman kung paano ako magtatagumpay sa career o paghahanap ng permanenteng trabaho.


Sana ay mapayuhan n’yo rin ako kung paano ako magtatagumpay at magiging maligaya. July 16, 1993 ang birthday ko.


Umaasa,

Darius ng Bagbag, Novaliches, Quezon City


Dear Darius,


Simple lang ang solusyon sa iyong problema— maghanap ka ng mga taong tutulong sa iyo sa lahat ng aspeto ng buhay para maging maligaya at magtagumpay ka.


Ang mga katulad mo kasing nagtataglay ng weak number na 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7), tulad nilang mga isinilang sa petsang 25, 2, 11, 20 at 29, kailanma’y hindi sila puwedeng mag-isa. Sa ibang salita, hindi aangat ang kanilang career at hindi sila magiging maligaya kung walang mag-i-sponsor o aayuda sa kanilang mga lakad at binabalak sa buhay.


Ang the best na kaibigan, kasangga, kasama o matalik na kaibigan ng mga taong may weak number na tulad mo ay silang may mga birth date na 8, 17, 26, 1, 10, 19, 28, 9, 18 at 27. Minsan ay tinutulungan din sila ng kapwa nila weak number na 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25, gayundin ng mga neutral number na 5, 14 at 23.


Basta ang keyword para magtagumpay at lumigaya ka— ayuda, suporta o tulong ng iba ang kailangan mo. Ganu’n ang gawin mo kapag naghahanap ka ng trabaho, ‘wag kang apply nang apply mag-isa o gamit ang sarili mong diskarte. Sa halip, ang una mong hanapin ay backer o isang tao na tutulong sa iyo upang makapasok ka sa isang regular at magandang trabaho. Sa ganu’ng paraan, ‘pag may nagtulak, nagbuyo, umalalay o may sumuporta sa diskarte mo hinggil sa career, mas madali mong mapipitas ang tagumpay.


Sa pag-ibig, puwede namang dumiskarte ka mag-isa, hangga’t ang liligawan mong babae ay kapwa mo nagtataglay ng weak number, higit lalo silang may mga zodiac sign na Capricorn, Pisces, Scorpio at kapwa mo Cancer, at minsan, puwede na rin ang Virgo at Taurus.


Kapag naman strong number ang liligawan mo, ‘wag kang masyadong atat, sa halip, hayaan mo siya na unang magparamdam. Huwag ka agad magtatapat dahil ayaw ng mga babaeng may strong number ang masyadong agresibo at mayabang. Bagkus, pasimple ka lang at kunwari ay hindi mo siya mahal na mahal. Sa ganu’ng diskarte, mapapasagot mo ang babaeng may strong number tulad nilang mga isinilang sa petsang 1, 10, 19, 28, 8, 17 at 26.


Samantala, sa lahat ng aspeto ng buhay, ang pinakamapalad mong kulay ay itim dahil sabi mo ay medyo down o feeling mo ay bigo ka sa buhay ngayon. Para lumakas ang iyong loob at magningning ang iyong pagkatao, palagi kang magsuot ng super strong color na black. Sapagkat ang kulay na ito ang babalasa o magiging turning point ng iyong buhay patungo sa malaking tagumpay.


Kapag unti-unti mo nang naramdaman na nagbabago ang buhay mo dahil sa paggamit ng kulay na itim, puwede mo nang gamitin ang tunay na kulay ng zodiac sign na Cancer at birth date mong 7, na berde at dilaw.


Samantala, bukod sa number 7, dahil ikaw ay nagtataglay din ng destiny number na 5, dahil ang birth date mong July 7, 1980 ay may ganitong kompyutasyon: 7+7+1980=1994/ 19+94=113/ 11+3=14/ 1+4=5, huwag kang babagal-bagal sa lahat ng iyong iniisip at nais ipatupad.


Sundin mo lang ang mga nabanggit na paraan sa itaas at mararamdaman mo ang nakatakdang mangyari. Sa taon ding ito ng 2022, tiyak ang magaganap, sa nasabing panahon at sa edad mong 29 pataas, magugulat ka dahil sabay na darating sa iyo ang magagandang kapalaran sa pag-ibig at career —magkakaroon ka ng girlfriend at matatag na trabaho, hanggang sa tuloy-tuloy ka nang magtagumpay at lumigaya sa aspetong pampinansyal at pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page