Mag-dyowang Virgo-Libra, compatible pero sa 2024 pa dapat magpakasal
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| February 24, 2022
Dear Maestro,
Isinilang ako noong September 21, 1989 habang ang boyfriend ko naman ay October 6, 1988.
Mahigit limang taon na ang relasyon namin at nagbabalak kaming magpakasal sa 2023.
Gusto kong malaman kung suwerte ba sa amin ang year 2023 para magpakasal at ano’ng buwan at petsa ang maganda upang masigurado ang maunlad, masaya at panghabambuhay na pagpapamilya?
Gayundin, ano ang magandang motif o kulay para sa aming kasal at sadya bang compatible kaming dalawa at magsasama ba kami nang maligaya? Gusto ko ring malaman na kung sakaling kami ang magkatuluyan, magkakaanak ba kami at ilan ang posibleng maging baby namin?
Umaasa,
Carmela ng San Jose, Labrador, Pangasinan
Dear Carmela,
Dahil ang birth date mong September 21, 1989 ay nasa pagitan ng Virgo at Libra, ang boyfriend mo naman ay purong Libra sa birth date niyang October 6, 1988, ikinukonsidera na higit na nanaig sa iyong pagkatao ang pagiging Libra kaysa sa pagiging Virgo. Kaya naman naging magkatugma kayo at umabot ng mahabang panahon ang inyong pagsasama at ngayon ay nagbabalak na kayong magpakasal.
Dagdag pa rito, ang pagiging magka-compatible n’yo ay pinatunayan o sinelyuhan pa ng compatible ring birth date n’yo na 21 o 3 (ang 21 ay 2+1=3) at 6 naman ang boyfriend mo, kung saan ang nasabing numero ay napabibilang naman sa “series of 3-6-9”, ibig sabihin, sadyang tugma o suweto kayong dalawa.
Gayunman, hinggil sa motif o kulay na dapat gamitin, hindi lang sa araw ng kasal kundi dapat ding gamitin bilang kulay ng bahay, mapalad ang mga kulay na pula, violet, purple, pink o asul. Pero sa araw ng kasal, dapat pa ring piliin ang kulay na pag-ibig, na kinakatawan ng planeta n’yong Venus na kulay pula upang lalo pang mapuspos ng pagmamahalan at maligayang suyuan ang relasyon n’yo.
Samantala, ayon sa inyong Love Calendar, ang pinakamapalad na taon para magpakasal ay hindi sa taong 2023 kundi sa 2024 at 2025.
Habang isaalang-alang sa nasabing kasal ang buwan ng Mayo hanggang Disyembre sa mga piling petsang 6, 15, 24, 9, 18, 27, 5, 14, 23. Puwede rin ang 8, 17 at 26, kung saan ituon ang kasal sa araw ng Huwebes, Linggo o Sabado, sa mga panahong nasa first quarter, full moon o new moon. Upang tulad ng papabulas at papalaking buwan, ganundin ang maganap sa inyong itatayong pamilya – patuloy sa pagbulas at pag-unlad habang patuloy kayong nag-uunawaan at nagmamahalan.
Ayon naman sa inyong Children Calendar, bibiyayaan ang inyong relasyon ng humigit-kumulang tatlo, lima hanggang anim na malulusog at matatalinong mga anak.




Comments