top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mag-dyowang pasok sa series of 3-6-9, ‘di maghihiwalay kahit mag-abroad si guy

BULGAR
Apr 9, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| April 9, 2022


Dear Maestro,


Dalawang taon na kami ng boyfriend ko at okey naman kami. Malapit na siyang umalis patungong abroad, pero ang inaalala at ikinakatakot ko ay baka ‘pag nasa abroad na siya at nagkalayo kami ay makahanap siya ng iba o palitan niya ako, kaya hanggang ngayon ay parang labag pa rin sa kalooban ko ang pag-alis niya.


Mahal na mahal ko kasi siya at ayaw kong mawala siya sa buhay ko. Kaya lang, sabi niya, mag-a-abroad siya para sa future namin, kaya kahit labag sa kalooban ko, pumayag din ako. Ano ang nakatakda sa aking kapalaran, kami na ba ang magkakatuluyan kahit mag-abroad pa siya at may makilala siyang ibang babae sa ibang bansa? August 12, 1997 ang birthday ko habang December 6, 1990 naman ang boyfriend ko.


Umaasa,

Kate ng Manggahan, Rodriguez, Rizal


Dear Kate,


Ipayapa mo ang iyong isipan at kalooban, sapagkat ang zodiac sign mong Leo na fire type sign ay tugma naman sa zodiac sign na Sagittarius ng boyfriend mo na isa ring fire type sign.


Habang sa pag-aanalisang Numerology, ang birth date mong 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3) at birth date niyang 6 ay under sa series na 3-6-9, kung saan tugmang-tugma rin kayo sa isa’t isa.


Ibig sabihin, sa sandaling nasa ibang bansa na ang iyong boyfriend at sabihin pa natin ang worst case scenario na may nakarelasyon siya ru’n, siguradong magkakabalikan pa rin kayo dahil tugma kayo sa isa’t isa.


Dagdag pa rito, nakatakda sa birth date mong 12 o 3 at 6 naman ang boyfriend mo ang bahagyang sakripisyo dahil ang key word ng mga numerong pasok series of 3-6-9 ay “sacrifices”. Ngunit pagkatapos ng mga tiisin at pagsasakripisyong dadanasin n’yo sa pansamantalang paglalayo, tiyak ang kasunod at magaganap— isang panghabambuhay na relasyon na hahantong sa masaya at panghabambuhay ding pagsasama, na nakatakdang mangyari sa taong 2024, sa edad mong 27 pataas.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page