top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mag-dyowang may strong number, dapat may magpaka-weak para maging masaya ang relasyon

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2023
3 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | December 28, 2023


Dear Maestro,


Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung ano ang posibleng mangyari sa relasyon namin ng boyfriend ko, kung compatible ba kami at kapag kami na ang nagkatuluyan, magiging matagumpay at liligaya rin ba ang itatayo naming pamilya? Ang birthday ko ay September 28, 1996 habang May 10, 1995 naman ang boyfriend ko.

 

Umaasa,

Kiara ng Santa Rosa, Pilar, Bataan

 

Dear Kiara,

Kapag ang dalawang strong number ang nagsama tulad ng birth date mong 28 o 1 (ang 28 ay 2+8=10/ 1+0=1) at nagkataon 1 rin ang birthday ng boyfriend mo (dahil ang 10 ay 1+0=1), ang tendency ay maaaring magkahiwalay din kayo sa bandang huli.


Nangyari, dahil ang ibig sabihin kasi ng “strong number” na tulad n’yo ay nagtataglay ng pagkamayabang o sa ibang salita ay ma-ego, arogante, ma-pride, at may pagkaatribida.


Dagdag dito, hindi rin siya nagpapatalo o nagpaparaya. Sa halip, ang gusto niya ay laging siya ang panalo. At dahil ang birth date na 28 o 1 na siya ngang birth date mo ay strong number, gayundin ang birth date na 10 o 1 ay strong number din na birth date ng boyfriend mo, kaya tulad ng nasabi na, pareho kayong mayabang at ma-ego.


Dahil dito, kapag nagsama ang dalawang indibidwal na kapwa ma-ego, ma-pride, mayabang at parehong akala mong buong-buo ang loob, ano sa palagay mo ang mangyayari?


Tama ang sagot mo, kumbaga sa usapan ng mga istambay, “magpapataasan sila ng ihi” at wala sa kanila ang magpapatalo o magpapasensya. At dahil walang nagpapatalo, magiging “pattern” na ng pagsasama nila ang ganu’ng sitwasyon. Kumbaga, palagi silang nagpapagalingan hanggang sa bandang huli, dahil hindi matitiis ang isa’t isa, sa pagiging “strong personality” nilang dalawa ay magkakahiwalay din sila. Sinasabi ko sa iyo ang mga bagay na ‘yan, hindi para paghiwalayin kayo ngayon. Bagkus, inaanalisa lang natin ang takdang kapalaran o ang mangyayari sa inyong relasyon, sinasabi ko sa iyo ‘yan, upang ngayon pa lang, kailangang isa sa inyo ang dapat matutong magpakumbaba o magsakripisyo upang maging successful ang nasabing relasyon.May mga naitala pa ngang kaso na parehong strong number na magkapareha na kapag nag-aaway ay nagpupukulan sila ng mga gamit. Buti na lang, bukod sa mayabang, ma-ego at ma-pride ang mga taong may strong number na 1, magaling din silang umilag, kaya kapag pinukol ng kanyang kapareha ang isa, hindi siya tinatamaan at nakatatakbo pa agad. 


Ang problema paano kung hindi na makailag? Paano kung habang tumatakbo ay nadapa? At paano kung higit na asintado ‘yung pumupukol sa umiilag? Iyon nga ang masakit na senaryo sa buhay ng magkapareha na kapwa may strong number, malamang na magkakasakitan sila - emotionally and physically.


Hindi tulad sa dalawang mag-asawang may weak number. Magkasakitan man sila ng isang beses, mas mauuna ang takot na masaktan ang kanyang kapareha o kung makasakit man ang isang taong may weak number, agad niya itong pinagsisisihan.


Hindi tulad ng mga taong may strong number, kapag nakasakit siya ng kapwa, iba ang nasa isip niya, sa loob-loob niya, “Buti nga sa iyo, kulang pa nga ‘yan, eh. Ayaw mo kasing maniwala sa akin, ang tigas-tigas ng ulo mo, siguro naman ngayon magtatanda ka na!”


Ganu’n kawalang-hiya ang mga taong may strong number sa sandaling nag-apoy na talaga ang galit sa kanyang asawa. Kahit ano’ng pananakit ang kanyang ginawa, siya pa rin ang tama at may katuwiran dahil ipinanganak siyang ganu’n. Sa pagkakaalam kasi niya, dahil siya ang nakasakit at kung sino ang nakasakit, siya pa ang tama. In short, para maging maligaya ang relasyon ng parehong may strong number, tulad ng nasabi na, kailangang may isang magpaka-weak sa kanila. At kapag may nagpa-under sa mag-asawang may strong number, nagiging maunlad at maligaya rin ang kanilang pamilya.

 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page