top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mag-dyowa na parehong strong number, dapat magpaka-weak ng isa para maging maayos ang pagsasama

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 9, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| August 9, 2020



Dear Maestro,


Sa pagkakaalam ko, base sa mga itinuturo n’yo tungkol sa Numerology ay pareho kaming nagtataglay ng strong number ng mister ko at ito marahil ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. Taong Uno (1) siya, na isinilang noong December 1, 1980 habang ako naman ay Taong Otso (8) at isinilang noong October 8, 1988.


Sa ngayon, may bagong BF ako at niyayaya na niya akong makisama sa kanya. Ang problema, tulad ng mister ko, siya ay Taong Uno dahil February 10, 1983 ang birthday niya.

Nagtataka ako kung bakit lapitin ako ng mga Taong Uno, hindi ko ba maiiwasan ang kapalaran kong ito, ano ang dapat kong gawin? In love na ako at parang gusto ko na ring makisama sa kanya. Kung magsasama kami, ano ang mangyayari, matutulad ba kami sa nakaraan kong relasyon kung saan sa umpisa lang masaya pero bandang huli ay lagi na kaming nag-aaway?


Umaasa,

Imel ng San Antonio, Floridablanca, Pampanga


Dear Imel,


Mayroon din namang mga strong number na mag-asawa na yumaman, umunlad at nagiging successful ang kanilang pamilya. Sa ganitong kalagayan, ang mga mag-asawang parehong nagtataglay ng strong number ay kadalasang nagpapaka-weak ang lalaking one (1), habang ang babaeng eight (8) ang nagiging strong.


Ibig sabihin ng nagpapaka-weak ang lalaking one ay sunod lang siya nang sunod sa kanyang asawa, bagama’t hindi naman “under de saya”, ang tamang salita ay “si misis ang manager”, habang “si mister ang driver ng kanilang negosyo o kumpanya.” Sa ganitong sitwasyon at pangyayari, yumayaman ang mag-asawang nagtataglay ng parehong strong number.


Meron din namang lalaking 8 (kabilang din silang isinilang sa petsang 17 at 26) at babaeng 1 (kabilang din silang isinilang sa petsang 10, 19 at 28) ang yumaman. Sa ganitong sitwasyon, “sa bahay lang si misis na one (1)”, habang “si mister na eight (8) ang nagpapatakbo ng negosyo,” tulad ng nasabi na, yumayaman din ang mag-asawang nabanggit na parehong nagtataglay ng strong number na 8 at 1.


Kaya kapag nakisama ka sa boyfriend mong may birthdate na February 10, habang ikaw naman ay October 8, alam mo na ang gagawin n’yo. Ikaw ang magpapaka-strong habang ang boyfriend mo ang siyang dapat na magpaka-weak.


Sa aktuwal na senaryo, ikaw na may birth date na otso ang “manager”, habang si mister na may birth date na uno ang “driver”. Sa ganyang diskarte, yayaman at uunlad ang inyong pamilya kahit sabihin pang kapwa strong ang inyong mga numero.


Mapalad ang kulay na green at red, gayundin ang yellow kung halimbawang kayo ay nagsasama na, higit lalo sa mga petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25. Ang ikalawang anak na may birth date na 25, 7, 16, 5, 14, o 23 ang magiging pinaka-matagumpay, na lalo pang magpapayaman sa inyong pamilya.


Habang sa sandaling sinunod mo ang mga simpleng rekomendasyong inilahad, kahit pareho kayong strong number ng iyong BF, tiyak ang magaganap sa 2029, sa edad mong 41 pataas, unti-unti na kayong yayaman hanggang sa makabuo ng maunlad, maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page