Mag-asawang todo-sikap sa negosyo pero lugi at baon sa utang, kailangan magpalit ng kalakal
- BULGAR

- Mar 5, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| March 5, 2021

KATANUNGAN
May tindahan kami sa kasalukuyan, pero ang ipinagtataka namin ay bakit kaya kahit anong pagsisikap ang gawin naming mag-asawa, parang kulang pa rin dahil palagi kaming kapos at may mga utang pa, gayung masipag naman kami sa aming negosyong tindahan?
Kung magpapalit kami ng produkto o mag-iiba ng kalakal o negosyo, sa palagay mo, may pag-asa pa ba kaming makabangon sa utang at yumaman? Iba’t ibang uri ng damit ang kasalukuyan naming paninda.
Gayundin, kung may pag-asa pa kaming yumaman, kailan kaya ito mangyayari? Isa pa, anong kalakal ang bagay sa aming mag-asawa? May 14, 1978 ang birthday ko at December 31, 1974 naman ang birthday ng mister ko.
KASAGUTAN
Sadyang tugma at compatible naman ang zodiac sign mong Taurus sa zodiac sign na Capricorn ni mister, sapagkat ang Taurus at Capricorn ay kapwa pinaghaharian ng elementong earth o lupa. Ibig sabihin, kung matututunan n’yo ang sakto at tamang paninda, tiyak ang magaganap, makakamit n’yo rin ang isang masagana at maunlad na pamumuhay. Kung saan, ang puwede n’yong ipalit o idagdag na produkto sa inyong kasalukuyang paninda ay ang mga kalakal na may kaugnayan sa pagkain, grocery o lamang butil at puwede rin ang tungkol sa agricultural products, ganundin ang basic needs o mga bagay na pang-araw-araw na ginagamit ng mga tao.
Sa ganyang paraan, sa tamang produkto at angkop na negosyo para sa angkop na zodiac sign at birth date tulad n’yong mag-asawa, hindi pa huli ang lahat dahil makakaahon kayo sa mga pagkakautang hanggang sa tuluy-tuloy na yumaman, na madali namang kinumpirma ng kapwa straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan n’yong palad.
Ibig sabihin, basta’t patuloy kayong nagtinda at nagsikap sa bago at mas angkop na produkto, tulad ng nasabi na, darating at darating din ang eksaktong panahong kusa nang lalago at uunlad ang inyong kabuhayan.
DAPAT GAWIN
Tita, ayon sa inyong mga datos, tama ang naisip n’yo ni mister na magbago ng kalakal o produkto at sa mga produktong nabanggit na sa itaas, tiyak ang magaganap, sa taong kasalukuyan o 2021, sa edad mong 43 at 47 naman si mister, makakaahon na kayo sa mga pagkakautang, unti-unti nang lalago ang inyong negosyo, hanggang sa tuluyan na kayong yumaman (N-N arrow b.), na magsisimulang mangyari at maganap sa taong 2029 sa edad mong 51 pataas at 55 naman si mister.




Comments