top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mag-asawang kapwa may strong number, yayaman dahil sa mga anak

BULGAR
Jul 19, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| July 19, 2022


Dear Maestro,


May dalawa akong mga anak, binata at dalaga na sila, ngunit hindi kami kasal ng kanilang ama at matagal na kaming naghiwalay. Sa ngayon, may kinakasama ako na hiwalay din sa asawa dahil may ibang lalaki na ang kanyang misis.


Ano ang magiging kapalaran namin habang kami ay patuloy na nagsasama? September 17, 1970 ang birthday niya, habang February 1, 1969 naman ako.


Hinggil naman sa aspetong pampinansiyal, kailan ako makakaahon sa mga problemang may kaugnayan sa pera?


Umaasa,

Sonia ng San Vicente, Abra de Ilog, Occidental Mindoro


Dear Sonia,


Sa totoo lang, nagtataka rin ako kung bakit ang Virgo at Aquarius ay pinagtatagpo pa ng tadhana, gayung sa katotohanan ay hindi naman sila talaga compatible, at ang posibleng dahilan ay hindi ang zodiac sign kundi ang mga numero.


Sa kaso mo, dahil strong number ang birth date mong 1, kusa mo ngayong nahigop ang kapwa mo strong number na 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8), na siya namang birth date ng kinakasama mo.


Kung pagbabatayan din sa ating pag-aanalisa ang inyong destiny number, lumalabas na ikaw ay may destiny number na 1 (2+1+1969=1972/ 19+72=91/ 9+1=10/ 1+0=1), habang ang kinakasama mo ay may destiny number na 7 (9+17+1970=1996/ 19+96=115/ 11+5=16/ 1+6=7). Ibig sabihin, humigit-kumulang ay tugma ang numerong umiiral sa inyong kapalaran dahil siya ay may weak number na 7, habang ikaw naman ay may strong number na 1.


Sa madaling salita, kung mananatili o palaging may magpapaka-weak sa inyo, sa kabila ng kapwa strong number ang inyong birth date, siguradong magtatagal at magiging maligaya ang inyong samahan habambuhay.


Dagdag pa rito, kapag ang mag-asawang kapwa may strong number ay nagpasensiyahan sa isa’t isa, palagi namang sa bandang huli ng kanilang buhay, sila ay yumayaman, higit lalo sa panahong nagtatrabaho na sa abroad ang kanilang mga anak.


‘Yun ang eksaktong salita— nagtatrabaho na sa abroad ang kanilang mga anak. Dahil karamihan sa mga mag-asawa na kapwa may strong number ay nakakapag-abroad ang mga anak at ‘yun ang nagpapayaman at nagpapasagana ng kanilang buhay.


Kaya sa pagbubuod ng pag-aanalisang ito, isa lang ang dapat tandaan ng mag-asawa na kapwa may strong number. Una, bago maging successful ang inyong samahan, babayuhin muna kayo ng maraming mga pagsubok dahil pareho kayong may strong number.


Ngunit tandaan din na kapag napaglabanan n’yo ang nasabing mga balakid, hindi kayo naghiwalay at nanatili kayong nagmamahalan sa isa’t isa, naging matibay at nagawa ng isa sa inyo ang magpaka-weak kahit strong ang numero niya — ibig sabihin ay medyo magpa-under sa kanyang asawa ang isa— unti-unting gigitaw ang maunlad, maligaya at masaganang pamumuhay, kasabay ng pagtatagumpay ng kanilang anak sa career at propesyon sa pangingibang-bansa.


Sa panahong ‘yun o sa edad mong 55 pataas, ayon sa iyong Financial Calendar, sa taong 2024, unti-unti ka nang makakaahon sa mga financial obligations hanggang sa tuloy-tuloy na kayong yumaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page