top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lumang jeep, hangga’t kayang ibiyahe, tuloy ang serbisyo!

  • BULGAR
  • Jan 9, 2023
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | Enero 9, 2023

Magandang balita para sa mga operator at driver ng mga lumang pampasaherong jeep!


Kamakailan ay inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala munang magaganap na phase out ng pampasaherong jeep kahit lagpas na ito nang 20 taon.


Matatandaang, alinsunod sa PUV Modernization Program ng pamahalaan, ipe-phase out na ng LTFRB ang pampasaherong jeep na may 20-taon na pataas.


Gayunman, ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz, nagpasya sila na maaari pa ring gamitin at ipasada ang kahit 20-taon nang jeep, basta ito ay roadworthy pa.


Naniniwala ang opisyal na maaaring marami ang mawalan ng hanapbuhay sa oras na ipatupad ang jeepney phase out, kung saan ang unang maapektuhan ay ang mga drayber.


Samantala, binigyang-linaw ng opisyal na patuloy na pinag-aaralan ang bawat ruta ng mga sasakyan sa bansa, lalo na sa Metro Manila upang mapunan ng dagdag-ruta ang malaking demand sa pampasaherong sasakyan at mabawasan ang mga ruta na masyadong marami sa isang lugar.


Malaking tulong talaga sa mga drayber at operator ang suspensyon ng jeepney phase out.


Kung tutuusin nga, hindi lamang sila ang makikinabang dahil ang mga komyuter ay ganundin. Kumbaga, marami pa ring naseserbisyuhan ang mga tradisyunal na jeep.


Habang hindi pa tuluyang nasosolusyunan ang mga kakulangan sa problema sa sektor ng transportasyon, walang dapat tanggalin ang gobyerno.


Pero siyempre, dapat nating tiyakin ang kondisyon ng sasakyan. Higit sa lahat ay hindi dapat malagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga pasahero.


Hangga’t kayang magserbisyo, bigyan natin ng pagkakataon ang mga tradisyunal na jeep na makatulong sa marami nating mga kababayan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page