top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lumaki ang tiyan, sumakit ang mga tuhod, 'di makalakad…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10, 2020
  • 2 min read

CARLA, IBINULGAR ANG IBA'T IBANG SAKIT KAYA TUMABA KAHIT TODO-DIET

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 10, 2020




Sa Just In na Kapuso online show ni Vaness del Moral ay nag-open-up si Carla Abellana tungkol sa kanyang pinagdaanang medical condition. Ito ‘yung time na ginagawa niya ang seryeng Love of My Life last year, bandang July.


During the filming ay napansin na lang daw niyang bumibigat siya nang bumibigat gayung on diet naman siya hanggang sa nag-gain daw siya ng 26 lbs. sa loob ng 4 months.


“Na ipinagtaka ko, kasi naka-diet ako, nagwo-workout ako 3 times a week, bakit nadaragdagan nang nadaragdagan ang timbang ko kaysa mabawasan or ma-maintain,” kuwento ni Carla.


Natakot na raw siya at nagpa-check-up na, at doon na nalaman na marami pala siyang medical condition.


“May problem pala ako sa liver, may asthma raw pala ako. So, kumbaga, the more ako nagpatingin, the more na may nahahanap kami. So, ang hirap, kasi, nagsabay-sabay.


“Tapos, ‘yung pinaka-frustration ko, ‘yung weight gain talaga kasi kahit ano'ng efforts, nagge-gain nang nagge-gain, imbes na mag-stop siya. So, napakahirap,” she said.


Ni-recall din niya na nang magpunta sila sa Japan ng boyfriend na si Tom Rodriguez last November, 2019 ay naospital pa siya.


“Nu'ng bago mag-Japan, nagpatingin na ako, I was actually cleared to travel na. Tapos, may mga medication lang na ibinigay. Eh, hindi ko alam kung bakit, pero pagdating sa Japan, inatake ako.


“'Yung hindi ako makatayo, and then, sobrang sakit ng mga tuhod ko, and then, lumobo ‘yung tiyan ko and sumakit nang husto ‘yung tiyan ko na ang tigas-tigas.


“So, medyo nag-worry na ako, I was in so much pain, tapos, nag-decide kami na ‘yun nga, magpatingin na,” kuwento ni Carla.


And nakita rin sa Japan na may problema nga raw siya sa tuhod.


“Napakahirap, kasi halos hindi ko na-enjoy ‘yung trip na ‘yun kasi ang laki ng tiyan ko, ang sakit niya, matigas siya, tapos ‘yung mga tuhod ko, sobrang sakit, hindi ako makatayo,” she recalled.


Pero ngayon ay looking good and healthy naman si Carla. Pumayat na rin siya at sey nga niya ay ginawa talaga niya ang lahat ng dapat gawin para pumayat like sinunod niya ang medication, nag-fasting, nag-diet and thankfully ay nag-work naman ang efforts niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page